<Clark's POV>
Hindi ako makaget-over sa babaeng ito. Walang tigil ang pagsasalita niya. Hinila ko siya palabas ng silid para ipaliwanag kung sino ang babaeng iyun.
"Riev!" Napalingon ako sa nagsalita. "Musta?" Tanong niya.
Siya si Maria, kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko nang makalapit na siya sa amin.
"Maria! Nakita mo yung lalaking nakawheel chair? Ang gwapo niya." Sabi naman ng isang magandang babae na nakasunod sa kanya.
"Alam mo bang ang astig ko kanina sa loob? Sana nakita mo." Sabi ni Riev.
"Uy guys, yung nakawheel chair na lalaki, ang gwapo." Sabi ulit nung isang babae.
"Hmp, hindi kapanipaniwala ang kwento mo." Sagot ni Maria sa sinabi ni Riev. Napatingin siya sa akin at napakunot-noo.
"A-ako nga pala si Clark." Sabi ko sabay lahad ng palad ko.
Napatitig silang tatlo sa palad ko.
Makalipas ang sampung segundo ay ibinaba ko na ang palad ko at napatingin naman sila sa mukha ko.
"Ako nga pala si Maria." Sabay ngiti ng malapad.
"Alexa." Sagot nung babaeng nakasunod kanina kay Maria sabay nagpeace sign siya.
"Ako naman si Riev." Sabay kindat.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ipakita kong reaksyon pero pakiramdam ko ay ang weird nilang tatlo.
"Alexa, naiihi ako. Samahan mo ako sa cr." Sabi ni Riev sabay hila kay Alexa.
Tsaka ko lang napagtanto na kaming dalawa na lang ni Maria ang naiwan.
"Uhm sige, alis na kami." Sabi ni Maria.
Tatalikod na sana siya pero hinila ko siya sa kamay at napatingin siya sa akin.
"Nice meeting you." Sabi ko.
Ngumiti ulit siya at tumango. Binitiwan ko ang kamay niya at umalis na siya. Napangiti na lang ako, buti na lang at normal siya. Di katulad ni Riev at Alexa, ang weird nila.
Pumasok na ulit ako sa kwarto at nakita kong umiiyak yung babae. Nang makita niya ako ay tumakbo siya palabas ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Kian sa kwartong iyon.
Nilapitan ko siya. "Tol, ang ganda ni Maria." Sabi ko na ikinangiti niya.
"Sa wakas ay nainlove ka na din." Sabi niyang nakangiti.
Napatango lang ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na nalove at first sight ako sa isang babae. Kaso nga lang, ang babaeng iyun ay nasa States at wala na akong balita sa kanya.
"Eh, ano namang pinag-usapan niyo? Umiiyak siya ah." Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Ipinamukha ko lang naman sa kanya ang panlolokong ginawa niya." Sabi nito.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ibigay na advice sa kanya dahil wala akong experience tungkol sa pag-ibig na yan.
"Eh, marami pa namang babae diyan eh." Sagot ko na lang.
"Tulad ni?" Tanong niya.
"Si Riev, o kaya si Alexa." Sagot ko.
Napabuntong-hininga siya.
Nalungkot ako sa naging ekspresyon niya. Bakas sa kanyang mukha ang matinding sakit.Positibo sa lahat ng bagay si Kian, kaya hindi ako sanay sa Kian na kaharap ko ngayon. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
Naalala ko tuloy sina Maria, Riev at Alexa. Napakaeasy sa buhay nila, parang wala silang mga problema kung umasta.
Napangiti ako nang maalala ko ang pagngiti sa akin ni Maria.
"Ala, anong nangyayari sayo?" Nakangiting tanong ni Kian.
"W-wala ah." Sagot ko na may ngiti pa rin sa labi.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?