<Clark's POV>
Sabi ni Maria ay hindi na daw buong tiwala ang maibibigay niya sa akin. Kung bakit kasi naalala ko pa ang nararamdaman ko para sa babaeng iyun eh. Pero gumanda siya ngayon kumpara noon.Napailing ako sa pinag-iisip ko. Nasa kwarto ako ngayon ay nakahiga sa kama at kasalukuyan ngang naguguluhan sa nararamdaman ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa mesa ko nang magvibrate ito. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ito. Isang unknown number ang nagtext.
Binasa ko:
Meet me tonight at the park.
Ayisha
Galing pala sa childhood friend ni Kian. Kumuha ako ng jacket at lumabas ng kwarto.
"San ka pupunta kuya? Gabi na ah." Sabi ni kapatid.
Nginitian ko lang siya at lumabas na ako ng bahay. Tumakbo ako papuntang park, siguro ay nag-away nanaman sila ni Kian kay tinext niya ako. Nung bata pa lamang kasi kami ay laging ako ang pinagsasabihan niya ng problema niya sa tuwing nag-aaway sila ni Kian. Isang araw nga ay inaway ko si Kian dahil pinaiyak niya si Ayisha. Nang makarating ako sa park ay nakita ko siyang umiiyak. Nilapitan ko siya.
"Inaway ka nanaman ba ni Kian?" tanong ko.
Napaangat siya ng tingin at niyakap ako.
"Yung babaeng laging dumidikit kay Kian." Sabi niya.
Naalala ko si Riev. Pero hindi naman didikit si Riev kay Kian kung hindi sasama si Kian kay Riev.
"Pumunta ako sa bahay nina Kian kanina. Gusto ko sanang pag-usapan namin ng parents ni Kian tungkol sa engagement namin pero yung babaeng yun, pati na rin ang mga parents ni Kian. Nakakainis silang lahat!!" humagulhul siya ng iyak.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Naiinis ako dahil laging si Kian ang bukam bibig niya.
"Kahit na wala na si Kian, andito naman ako eh." Napatakip ako sa bibig ko nang masabi ko iyun.
Tinignan ako ni Ayisha at tumango. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at ngumiti.
"Pero diba, yung babaeng kasama mo kaninang umaga, nililigawan mo siya diba?"
Napatigil ako nang maalala ko si Maria. Gusto ko si Maria, gustong-gusto ko siya. Pero sabi niya ay hindi na daw buo ang tiwala niya sa akin, kaya bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya?
Naalala ko yung advice ni Kian sa akin na ifocus ko lang daw ang tingin ko kay Maria at wag ng bumaling sa iba pa. Sa tingin ko ay naiintindihan ko na ang advice niyang iyun. Pero hindi na buo ang tiwala ni Maria sa akin.
"Hindi ko na siya nililigawan." Sagot ko kay Ayisha.
Ngumiti siya ng maluwang at niyakap ako. Napangiti na lang ako. Basta ang alam ko, pag masaya si Ayisha, masaya na rin ako.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?