<Clark's POV>
Nasa hallway kami ni Maria at kinukulit ko nanaman siya. Kaninang lunch time ko pa siya kinukulit pero sa tingin ko ay wala talaga siyang balak sagutin ako. Napabuntong-hininga na lang ako.
Napansin kong dinaanan kami ni Philip at patungon siya sa likod ng school. Siguro ay may kameet siya doon.
"Puntahan natin si Riev." Napabaling ang tingin ko kay Maria.
Halatang nag-aalala talaga siya kay Riev pero hindi ko pa rin alam kung ano bang problema ni Riev. Tumango ako kay Maria.
Naglakad na kami patungo sa klasrum nina Riev. Malapit lang naman ang klasrum nila kaya narating namin agad ito. Nakita namin si Riev at si Kian na nakatayo at magkaharap sila.
Nagsasalita si Kian pero nakabaling sa iba ang tingin niya samantalang si Riev naman ay pinupunasan ang kanyang pisngi habang tumatango.
"Buti naman at nag-uusap na sila." Sabi ni Maria.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko.
"Basta, mahabang kwento eh." Sagot ni Maria.
-_- Hindi na ako nagtanong pa. Finocus ko na lang ang tingin sa kanila.
Pagkatapos nagsalita ni Kian ay tumingin siya kay Riev. Ngumiti naman si Riev at nagsalita din siya. Maya-maya ay nagtinginan sila ng ilang sandali at nagtawanan.
Nacucurious talaga ako. Gusto kong pumasok sa klasrum at sabihing:
"Yo! Anong pinag-uusapan niyo?"
Pero si Maria kasi eh, baka pigilan lang ako.
Napangiti si Maria habang nakatingin sa dalawa.
"Buti naman at ayos na ang lahat." Sabi ni Maria.
"Kung ganun ay may problema pala si Riev at Kian?" tanong ko.
"Basta."
Ayoko na talagang magtanong. Hindi naman nasasagot.
"Tara na Clark." Sabi ni Maria at hinila ako papalayo sa klasrum.
Habang naglalakad kami sa hallway ay nakatingin lang ako kay Maria. Kailan naman kaya niya ako sasagutin. Nagkakadevelupan na si Alexa at Philip tapos si Riev at si Kian naman ay halatang may something na sila pero kami ni Maria ay manliligaw pa lang ako at sa tingin ko ay walang madedevelop sa amin kung mananatili akong manliligaw lang.
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil si Maria sa paglalakad at hinarap ako.
"May nakalimutan ka ba?" tanong ko.
Tumango siya at tinitigan ako sa mga mata. "Nakalimutan kong sagutin yung tanong mo kaninang lunch break pa." sabi niya sa seryosong mukha.
Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang gusto kong takpan ang mga tenga ko. Natatakot akong malaman kung ano ang magiging sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?