<Riev's POV>
Kami na lang ni Kian ang natira dito sa klasrum. Tumayo ako at akmang lalabas ng klasrum nang tumayo din si Kian at hilain ako sa braso paharap sa kanya.
"Riev, may sasabihin ako." Sabi niya.
Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Ang sabihin niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.
"Nung malaman ko na ikaw at ako ang ipagkakasundo ay natuwa ako." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya pero iniwas naman niya ang kanyang tingin. "Pero nung maalala ko ang nararamdaman mo ay nag-alanganin ako na baka hindi mo ako gusto. Na baka nagiging mabait ka lang sa akin at ngumingiti ka lang sa akin dahil kaibigan ang tingin mo sa akin. Kaya naging cold ako sa'yo dahil ayokong mag-expect na ang nararamdaman ko para sa'yo ay ganun din ang nararamdaman mo para sa akin." Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Pinunasan ko ang pisngi ko dahil alam kong may bakas pa iyun ng luha ko.
"Ano bang nararamdaman mo?" tanong ko. Medyo mali ata yung tanong ko.
"Gusto kita. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kita Riev." Tumingin siya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. "Gusto din kita Kian. Alam kung maikling panahon lang pero sa tuwing binabanggit mo ang pangalan ko ay napapangiti ako." Sabi ko.
Nagkatitigan kami ng ilang sandali at napatawa na lang kami. Siguro ay dahil sa saya ay napatawa na lang kami. Naramdaman ko ang pagluwag ng dibdib ko, wala na ang bigat sa dibdib ko. At ngayon nga ay nakangiti ako dahil kaharap ko ang taong mahal ko.
,<Alexa's POV>
Nung lunch time namin ay nakita ko si Philip na lumabas sa klasrum nila. Tinawag ko siya at inutusang pumunta sa likod ng school pagkatapos ng klase.
Balak ko kasing magconfess kay Philip. Ang totoo ay nalove at first sight kasi ako sa kanya nung makita ko siya sa hospital kaya hindi ko siya nakayanang layuan kahit nung araw na ipinahamak niya ako sa isang kanto.
Pagkatapos ng klase namin ay tumakbo agad ako palabas ng klasrum at tumungong likod ng school. Papalapit pa lang ako ay nakita ko na si Philip.
"Sorry ngayon lang ako." Sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
"So anong gagawin natin dito?" tanong niya.
"May sasabihin ako." Sabi ko at huminga ng malalim para makahugot ng lakas ng loob.
Iniwas naman niya ang tingin niya sa akin.
"Philip." Pagsisimula ko.Sinulyapan naman niya ako pero iniwas din niya agad ang tingin niya. "Gusto kita." Napansin kong natigilan siya. Napatingin siya sa akin. "Gustong-gusto kita." Dugtong ko.
Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. "Weh?"
Tumango lang ako.
Tumingin ulit siya sa ibang direksyon at sinabing:
"Hindi dapat nagcoconfess ang mga babae sa mga lalaki, nakakahiya."
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatigil ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero nagulat ako nang hinila ako ni Philip at niyakap.
"Hayaan mong ako ang magconfess sa'yo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Gusto kita Alexa." Namula ang buong mukha ko.
"Gusto din kita Philip." Sagot ko. "Pero hindi dahil sa mayaman ka...." dugtong ko.
"Dahil sa abs?" sabi niya.
Napangiti ako at tumango.
<Maria's POV>
Ang kulit naman ni Clark. Tsaka balak ko naman talaga siyang sagutin eh pero kasi si Riev ang inaalala ko.
"Puntahan natin si Riev." Sabi ko.
Tumango naman si Clark.
Naglakad na kami patungo sa klasrum nina Riev. Malapit lang naman ang klasrum nila kaya narating namin agad ito. Nakita namin si Riev at si Kian na nakatayo at magkaharap sila.
Napangiti ako. At least ay nag-uusap na sila. Pagkatapos nilang mag-usap ay alam kong okay na ang lahat.
"Tara na Clark." Sabi ko at hinila siya palayo sa klasrum. Baka masira pa ang moment nina Riev.
Habang naglalakad kami sa hallway ay tahimik lang si Clark. Baka inaalala pa rin niya ang pagsagot ko sa panliligaw niya.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"May nakalimutan ka ba?" tanong niya.
Tumango ako at tinitigan ko siya sa mga mata. "Nakalimutan kong sagutin yung tanong mo kaninang lunch break pa." sabi ko sa seryosong mukha.
Natahimik naman si Clark.
"It's a YES!" sabi ko.
Nanlumo si Clark. "G-ganun ba?" makalipas ang ilang segundo ay napatingin siya sa akin at: "A-ano ulit?"
Ngumiti ako. "Ang sabi ko ay YES." Ulit ko.
Napangiti siya bonggang bongga!!
"YESS!! It's a YESSS!! daw." Sigaw niya.
<Riev, Alexa and Maria's POV>
At natapos ang araw na iyun na masaya kaming lahat.
Alalahanin na ang buhay ay hindi isang drama. Dahil sa drama ay pinapatunayan ng dalawang tao na may happy ending at kahit na anong problema man ang kanilang makaharap ay masusulosyunan nila ito. Ang buhay ay hindi rin isang pelikula, hindi rin ito isang komedya, at hindi rin ito isang nobela.
Ang buhay ay walang katulad. Bawat tao ay isang manunulat at ang master piece nila ay ang kanilang pang-araw-araw na buhay. Gaya nga ng sinabi ni Kian, huwag kang manisi ng ibang tao sa pagkakamaling nagawa mo dahil ang lahat ng ito ay katumbas ng iyong naging desisyon.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?