<Riev's POV>
Kasama ko ngayon si Maria at Alexa. Nasa may cafeteria kami ngayon at kasalukuyang pinag-uusapan ang mga crushes namin.
"Magconfess na kaya tayo sa kanila?" napatigil kami ni Alexa sa sinabi ni Maria. Alam naming seryoso talaga siya sa lahat ng bagay. Ibig sabihin ay seryoso din siya ngayon.
"O sige!" sigaw ni Alexa. At alam din namin ni Maria na siya si hugot girl at gusto niyang maging cool sa paningin namin.
Tumango lang ako. Alam nilang astig ako.
Napagdesisyunan naming magconfess sa mga crush namin mamayang uwian.
**UWIAN NA**
Nasa klasrum ako ngayon kasama si crush. Hinintay ko talagang kami lang dalawa ang maiwan sa klasrum. Ramdam ko ang tibok ng puso ko.
"Anong sasabihin mo?" tanong niya.
Pakiramdam ko ay namula na ang buong mukha ko. Ibinuka ko ang aking bibig at:
"Gusto kita! Gustong-gusto kita!!"
Napatigil siya.
"Sorry pero hindi kita type."
"Hindi ko naman tinatanong kung type mo ako eh. Ang sabi ko ay gusto kita."
"Ganun na din yun."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dahil ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Umalis na si crush at iniwan akong nakatunganga. Napabuntong-hininga na lang ako. Buti na lang at crush ko lang siya.
Lumabas na ako ng klasrum at tumungo sa main entrance ng campus. Nakita ko doon si Alexa. Nilapitan ko siya.
"Basted ako." sabi niya sa malungkot na ekspresyon.
"Guys." napalingon kami ni Alexa sa nagsalita, si Maria. "Basted ako." sabi niya.
"Ako rin, nabasted." sabi ko.
Nagtinginan kaming tatlo at nagngitian. At natapos ang araw na iyun na masaya kaming tatlo. At least ay pare-pareho kaming basted.
Pero hindi pa doon nagtatapos ang araw ko.
Naglalakad ako mag-isa sa kalye pauwi. Magkakaiba kasi ang direksyon ng bahay namin kaya naghihiwalay kami sa isang kanto.
Napadaan ako sa isang kalsada na kung saan ay may lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada.
Sa gilid ng kalsadang iyun ay parang bangin kung titingnan dahil sa taas, kaya nabakuran ito. Pero ang lalaking iyun ay nasa labas ng bakuran. Nilapitan ko siya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
Halata kong nagulat siya. Napalingon siya sa akin. Isa siyang teenager na siguro ay kasing-edad ko lang.
Iniwas niya ang tingin sa akin. Umakyat ako sa bakod at tinabihan siya pero napahawak din ako sa bakod nang makita kung gaano kataas ang aming tinutuntungan.
"Nagbreak kami ng girlfriend ko." sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. At dahil sa sinabi niyang iyun ay nakakasigurado ako na magpapakamatay siya. Magsasalita na sana ako para kumbinsihin siyang wag ituloy ang binabalak nang biglang humangin nang malakas dahilan upang mapaatras ang lalaki at dahil doon ay nadulas siya at nahulog. Sa kasamaang palad ay nahila niya ako sa braso kaya heto kami ngayon at nahuhulog na.
Pinikit ko ang mga mata ko at nanalangin agad:
"Lord, patawad po sa mga kasalanang nagawa ko. Naging maikli man po ang buhay ko ay nagpapasalamat pa rin po ako dahil binigyan niyo ako ng pagkakataong mabuhay........."
Napatigil ako nang maramdaman ko na lang na hinila ako nung lalaki at niyakap ako ng mahigpit. Hanggang sa nahulog na kami ng tuluyan. Himala mang matatawag ngunit wala akong maramdamang anumang sakit sa katawan ko. Lumuwang ang pagkakayakap sa akin nung lalaki
Inimulat ko ang aking mga mata at nakitang may dugong nagmumula sa kanyang ulo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo ako at pinagmasdan siya.
Walang himala. Hindi matatawag na himala kung niligtas ka ng taong ni hindi mo kakilala. Ang tawag doon ay . . . . . . . . . . . . . . .
Teka, ano nga ba?
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?