<Philip's POV>
Ramdam ko ang sakit ni Kian. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata niya kung gaano siya nasaktan nang malaman niyang umiiyak si Riev nang dahil sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi ayaw makinig ni Kian sa sasabihin ni Riev? Katatapos lang ng break time namin at time na ulit para sa lecture pero isa man sa kanila ay walang gumagalaw.
Hindi ko na lang sila inabala, baka madamay ako. Nagconcentrate na lang ako sa lecture ng teacher namin. Ang pinakaayaw ko talagang subject ay Araling Panlipunan. Lalo yung tungkol kay Charles Darwin dahil wala naman talaga siyang napatunayan sa theory niya. Siguro yung stages lang ng intelligence ang tama pero yung stages ng tao ay maling-mali.Iniisip ko pa lang na galing ako sa unggoy ay gusto ko ng magbigti.
Natapos ang period na iyun na yun ang nasa isip ko. Lunch break na namin at napalingon ako sa dalawa pero hindi pa rin sila gumagalaw. Wala siguro silang balak kumain. Tumayo ako at lumabas ng klasrum.
"Philip." Napatigil ako sa paglalakad nang mabosesan ko yung tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at gaya nga ng dapat asahan ay nakita ko si Alexa na nakangiti. Lumapit siya sa akin.
"Musta na si Riev at Kian?" tanong niya.
"Hindi sila gumagalaw sa kinauupuan nila eh." Sagot ko.
"Ganun ba?" medyo nawala ang ngiti niya.
"May iba ka pa bang sasabihin?" tanong ko.
Tiningala niya ako at muling ngumiti. "Mamayang uwian, hintayin mo ako sa likod ng school ah." At tumakbo na siya papalayo.
Napakunot-noo ako. Ano naman kayang gagawin namin sa likod ng school? Binalewala ko na lang at dumiretso ng cafeteria. Pagkarating ko doon ay nakita ko si Clark at Maria na ngiting-ngiti sa isa't-isa pero halatang may itinatagong lungkot si Maria.
-->> FORWARD
Malapit ng matapos ang araw na iyun at hindi pa rin nag-iimikan itong dalawang ito. Last subject na nga namin ito pero sa tingin ko ay wala akong naintindihan sa lecture dahil nakatuon ang pansin ko dito sa dalawa.
Nang madismiss na kami ay napatingin ulit ako sa dalawa pero tahimik pa rin sila at walang balak na umuwi. Napabuntong-hininga na lang ako, naalala ko yung sinabi ni Alexa na magkita daw kami sa likod ng school.
Lumabas na ako ng klasrum at dumiretso sa likod ng school. Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ulit sina Maria at Clark na nag-uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Dinaanan ko sila pero mukhang hindi man lang nila ako napansin. Pagdating ko sa likod ng school ay wala pa doon si Alexa.
Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa makita ko si Alexa na tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit na siya ay ngumiti siya ng malapad.
"Sorry ngayon lang ako." Sabi niya.
"So anong gagawin natin dito?" tanong ko.
"May sasabihin ako." Sabi ni Alexa at huminga siya ng malalim at tumitig siya sa mga mata ko.
Iniwas ko ang tingin ko. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko.
"Philip." Sabi niya. Sinulyapan ko lang siya at tumingin ulit ako sa ibang direksyon. "Gusto kita." Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya at ang seryoso ng mukha niya. "Gustong-gusto kita." Dugtong niya.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Weh?" sabi ko para hindi halata na kinakabahan ako.
Tumango siya.
Hindi pwedeng mawala ang pagkacool ko sa harap niya. Tumingin ako sa ibang direksyon at:
"Hindi dapat nagcoconfess ang mga babae sa mga lalaki, nakakahiya."
Alam kong naupset ko siya sa sinabi kong iyun. Iniwas niya ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
De TodoNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?