CHAPTER SEVENTEEN ~ -_- ~

1 0 0
                                    

<Kian's POV>

First day of classes at uniform agad. Transferee student kami ngayon ni Clark at pati na rin yung lalaking may abs daw. Tsk, may abs din naman ako ah. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretsong kusina.

"Kian, mamayang hapon ay umuwi ka kaagad at may pag-uusapan tayo." Sabi ni papa.

Napakunot-noo ako. Napakaseryoso ng mukha ni papa. Napatingin ako kay mama at nagpipigil siya ng ngiti.

"Alis na po ako." Paalam ko sa kanila.

Tumango lang sila. Paglabas ko ng bahay ay nandoon si Clark, nakangiti.

"Ang tagal mo naman Kian, malelate na tayo." Sabi niya.

Alam kong excited siya dahil makikita niya ngayon si Maria. Sana naman ay maging kaklase ko si Riev para kahit papaano ay maenjoy ko ang araw na'to. Napatigil ako, bakit ba si Riev ang iniisip ko. Tsaka okay lang naman na kahit hindi ko siya kaklase basta mababait ang magiging mga kaklase ko. Pero okay pa rin kung magiging kaklase ko si Riev -_-

"Ang tahimik mo ata ngayon?" tanong ni Clark.

Umiling lang ako. Ang weird kasi ni mama at papa ngayon, parang may itinatago sila. Pagliko namin ni Clark sa isang banda ay nakita namin si Riev at Alexa na nag-uusap.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Clark sa kanila.

Halatang nagulat sila, lumingon sa amin si Alexa pero hindi lumingon si Riev.

"K-kayo pala." Sabi ni Alexa.

"Tara, sabay na tayong pumunta ng school." Sabi ni Alexa at inakbayan si Riev.

Naglakad na kami, nasa likod kami ni Clark at si Riev at Alexa naman sa harapan naman.

"Si Maria pala?" tanong ko.

"Malayo dito ang bahay nila eh." Sagot ni Clark.

Napatingin ako sa likod ni Riev, parang may problema ata siya. Hindi siya umiimik.

Makaraan ang ilang minutong paglalakad namin ay narating na din namin ang school. Nakita naman namin si Maria sa may gate, kumaway siya sa amin nang makita kami.

"Napaaga ka ata ngayon Maria?" tanong ni Riev.

Tumango lang siya at ngumiti.

"Punta na kami ni Kian sa faculty room ah." Paalam ni Clark sa kanila.

Naglakad na kami ni Clark papalayo sa kanila. "Pakiramdam ko ay may problema si Riev." Sabi ko.

"Talaga? Ibig sabihin ay may problema ka din." Sabi ni Clark.

"Ha? At bakit naman?" tanong ko.

"Eh kasi pareho kayong malamya eh."

Napakunot-noo ako. Malamya ba ako ngayon? Hindi lang naman ako mapakali sa kilos ni mama at papa kaninang umaga eh. Pagkarating namin sa faculty room ay binati agad kami ng isang teacher.

"Si Kian ay sa section Rose at si Clark naman ay sa Dandelion." Sabi nung teacher.

"Salamat po." Chorus naming sabi.

Palabas na kami ng faculty room nang pumasok naman yung lalaking may abs daw, si Philip.

"Philip ay sa section Rose."

-______- kaklase ko siya. Naglakad na kami at hinanap ang sari-sarili naming klasrum.

"Nakakainis naman, hindi pa talaga tayo magkaklase no?" reklamo ko kay Clark.

"Ano ka ba, okay lang yan no." tatawa-tawa nitong sabi.

Siguro ay section Dandelion si Maria kaya hindi mawala ang ngiti niya. Pagkakita ko sa section Rose ay sumilip agad ako. Nakita ko doon si Riev na tahimik lang at nakatitig sa kawalan.

"Sige Kian, alis na ako." Paalam ni Clark.

Tumango lang ako at umalis na siya. Pumasok na kami ni Philip sa loob at nagulat ako nang magtilian ang mga kababaihan. Napatingin naman si Riev sa amin at napangiti. Kumaway siya sa amin.

Natuwa ako dahil ngumiti siya sa amin. Dalawang upuan ang bakante, isa sa tabi ni Riev at isa sa likod niya. Uupo na sana ako sa tabi ni Riev nang pumasok na si teacher.

"Good morning class." Bati ni ma'am.

Nagsiayusan na ang buong klase.

"May dalawa nga pala kayong bagong kaklase, si Kian at si Philip." Pakilala ni ma'am sa amin.

"Ako po si Kian." At nagbow ako.

"Philip po." Sabi niya at nagbow din.

"Umupo na kayo kahit saan, tsaka dalawang upuan lang pala ang bakante." Sabi ni ma'am.

Nasa harapan ko si Philip at kasalukuyang naglalakad kami papunta sa bakanteng upuan. Gusto kong suntukin si Philip nang umupo siya sa tabi ni Riev. Tinitigan ko siya ng masama tsaka ako pumunta sa bakanteng upuan na nasa likod ni Riev.

"Nasa section Tulip si Alexa." Bulong ni Riev kay Philip at ngumiti.

Iniwas ni Philip ang tingin niya kay Riev. "Paki ko." Sabi niya.

-________- Naiinis ako. Dapat ako ang kausap ngayon ni Riev.

Kinalabit ko si Riev, lumingon naman siya.

"Bakit?" tanong niya.

"Mapanganib si Philip, huwag mo siyang kakausapin." Bulong ko.

Tumawa si Riev at tumango.

Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon