<Philip's POV>
Ginabi na tuloy ako ng uwi. Nakakainis yung teacher na yun. Bakasyon na nga namin ay inuutusan pa ako. Nasa park ako ngayon at kasalukuyang nanunuod sa isang drama.
Isang babaeng halatang play girl at isang lalaking patay na patay sa play girl ang nagyayakapan. Napabuntong hininga ako.
"Philip?"
Napakunot-noo ako nang makita si Alexa. Gabi na pero andito pa siya. Napasulyap ako sa suot niya, nakajogging pants siya at pinagpapawisan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Night jogging. Hindi ko naman hahayaan na masira ang figure ng katawan ko." Sabi niya.
-_- "Edi wag ka na lang kumain." Sabi ko.
"Ha? Eh malnourish na ang tawag dun, hindi seksi."
"Seksi? Tsk, pakiramdam mo ay seksi ka? Ang laki nga ng bilbil mo, sumusunod nga sa pagtalon mo eh." Nakangisi kong sabi.
Pero natigilan ako nang suntukin niya ako sa abs. "May abs ka pala. How seksi."
Ewan ko pero namula ata ang mukha ko.
"Kahit na wala na si Kian, andito naman ako eh."
Napalingon kami ni Alexa nang marinig ang salita nung lalaking nakikipagyakapan dun sa play girl.
"Si Clark yun ah." Sabi ni Alexa.
So kilala pala niya yung lalaking yun.
"Pero diba, yung babaeng kasama mo kaninang umaga, nililigawan mo siya diba?" tanong nung play girl.
"Hindi ko na siya nililigawan."
"HA?!" hinarap ako ni Alexa. "Anong ibig niyang sabihin? Na hindi na niya nililigawan si Maria?" galit na tanong ni Alexa.
"H-hindi ko alam." Sagot ko.
Nanlilisik ang mga mata niya. Napansin kong umalis na yung dalawa.
"Humanda siya sa'kin." At kinuyom ni Alexa ang kamao niya. Pagharap niya sa kinaroroonan nila ay wala na sila. "O? Asan na yung lalaking yun?" tanong niya.
"Kaaalis lang." sagot ko.
Bigla siyang kumaripas ng takbo. Hinabol ko naman siya at hinawakan sa braso.
"Bitiwan mo nga ako." Sabi niya.
"Ano bang gagawin mo?" tanong ko.
"I'll give that sh*t a piece of mind."
"Tapos? Mababago ba ang katotohanan na niloloko niya ang kaibigan mo?"
"Hindi. Pero ipapaalala ko sa kanya na he's messing with the wrong person."
-_- Napapaenglish pala si Alexa sa tuwing nagagalit siya. Hinila ko siya sa isang bench at pinaupo.
"Nakakainis ka!" sigaw niya.
"Manahimik ka. Halikan kita diyan eh."
Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Napatakip ako sa bibig ko at iniwas ang tingin sa kanya.
"Subukan mo." Bulong niya pero rinig na rinig ko naman.
Tinignan ko siya at inalis ang pagakakatakip sa bibig ko. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya pero nagulat ako nang bigla niya akong sampalin.
"K-kahit, kahit ikaw ang pinakagwapo dito sa mundo, hindi ko hahayaan na nakawin mo ang first kiss ko. Alam mo bang importante ang first kiss sa bawat babae? Hmp, alam ko namang maganda ako eh...." -_- "Pero hindi ko naman hahayaan na mawala ang dignidad ko ng dahil sa'yo."
Ang dami niyang sinasabi. Tsaka wala naman akong balak halikan siya eh.Tsaka ano daw ang sabi niya? Maganda siya? Napatitig ako sa mukha niya, kasalukuyang nagsasalita pa rin siya kung gaano siya kaganda. Maganda nga siya, napatingin ako sa bilbil niya. Maganda nga siya pero may bilbil siya.
"Magcurlups ka kaya." Sabi ko at tinalikuran siya.
"Ha? Hindi nagcucurl ups ang mga seksi." Sabi niya.
"Nagcucurl ups ako." Sabi ko.
"Uhm okay. Susubukan ko. Pero wag mong aasahan na magpapasalamat ako sa'yo."
Napabuntong-hininga ako. Ang kulit niya.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?