<Maria's POV>
Hindi ako makapagconcentrate sa lecture ni ma'am. Naikwento na sa akin ni Riev ang napakalaki niyang problema, hindi naman sana matatawag na problema kung wala si Kian eh. Pero kasi, bumisita ang lolo nila at nagdala siya ng masamang balita kay Riev. May bago daw silang kapartner sa business at may anak silang lalaki atang balak nga ng lolo ni Riev ay ang pagkasunduin sila.Kung sana lang ay may boyfriend si Riev ay hindi itutuloy ng lolo niya ang balak niya.
Isa pa itong lalaking ito, kanina pa siya kalabit nang kalabit sa akin. Nasa likuran ko si Clark at ngiting-ngiti siya. Masaya ako dahil nasa iisang seksyon lang kami pero hindi ko maiwasang isipin ang problema ni Riev.
Ang sabi ni Riev ay natuwa siya dahil hindi na siya mamamatay na single pero nung maalala niya si Kian ay parang nagdalawang-isip siya. Gusto daw niya si Kian at wala daw makakapigil sa kanya.
Napangiti ako nang marinig ko ang pagring ng bell, hudyat na oras pa para sa break time. Tumayo ako at lumabas na ng klasrum. Pupuntahan ko si Riev....
"Ma-ri-a!!"
Oo nga pala, nakalimutan ko si Clark. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya.
"Bakit mo naman ako iniwan?" reklamo niya.
Hindi ko siya sinagot.
"Para sa'yo nga pala." Namula ang mukha ko nang iabot niya ang isang kulay pulang rosas.
"Salamat." Sabi kong nakangiti at kinuha ito mula sa kanya.
"Aba, at dito pa talaga kayo nagligawan no?" sabi ni Alexa.
"Aheheheh~~" si Clark yan. Kakamot-kamot pa sa batok.
"Pinuntahan mo na ba si Riev?" tanong ko.
"Wala nama siya sa klasrum nila. Tinanong ko nga rin si Kian at Philip pero hindi nila alam kung saan siya pumunta."
Kinabahan ako sa sinabi ni Alexa.
"May problema ba siya?" tanong ni Clark.
Umiling kami ni Alexa. "Hanapin na muna natin siya." Sabi ko.
Una naming pinuntahan ang cafeteria pero wala siya doon. Pumunta kami ng likod ng school pero wala din siya doon. Bumalik kami sa klasrum niya pero wala din siya.
Napabuntong-hininga na lang si Alexa.
"Hindi kaya umalis na siya dito sa school? Tapos kakausapin niya si lolo na iurong ang balak niya, tapos hindi papayag ang lolo niya, tapos hindi matanggap ni Riev ang nangyari. Baka pagkatapos nun ay magpakamatay siya."
Napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Alexa.
"Ano bang problema ni Riev?" tanong ni Clark na kanina pa nakasunod sa amin.
"Guys, bakit kayo nandito?"
Napalingon kami sa nagsalita at nakita si Riev na nagpupunas ng kamay sa kanyang panyo.
"Saan ka galing?" tanong ko.
"Uhm, sa CR." Sagot niya.
"Eh may problema ka ba?" tanong ni Clark.
Umiling si Riev. Dumungaw si Riev sa pintuan ng klasrum nila.
"Philip, andito si Alexa." Sabi niya.
Namula naman si Alexa. "Ala, sinabi ko bang tawagin mo siya!"
"Wala akong paki!" sagot naman ni Philip.
"HA?!" pumasok sa klasrum si Alexa at nilapitan si Philip. "Huwag mo akong binabaliwala ah."
Iniwas ni Philip ang tingin niya. Napangiti ako, sa tingin ko ay nagkakadevelupan na sila.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?