~Ryan's POV~
Nasa labas ako ng office ng daddy ko. Nag-sasoundtrip habang naghihintay. May kinakausap pa kasi siya sa loob na napakaimportanteng tao daw. Ilang sandali pa ay may lumabas na matandang lalaki, at kasunod ng lalaki si daddy na lumabas din ng opisina niya.
"Aasahan ko po ang sinabi niyo, nice dealing with you Chairman Han." Wika ni daddy sa matandang lalaki.
At pagkatapos nun ay nag-shake hands silang dalwa, at umalis na ang matanda. Napatingin sa 'kin ang matandang lalaki kaya tumayo ako at yumuko bilang pagbati at paggalang na din. Nang tuluyan ng makaalis ang matandang lalaki ay tsaka lamang ako pumasok sa opisina ni daddy. Nang makapasok na ko ay agad akong pinaupo ni daddy sa upuang malapit sa lamesa niya.
"Mukhang napakahalaga ata ng pag-uusapan natin at ngayon niyo na lang ulit ako ipinatawag sa opisinang 'to?" walang emosyon kong bungad kay daddy.
"Kaya kita ipinatawag ay dahil gusto kong maghanda ka sa isang napakalaking kasunduan." –daddy
"Ha? Anong kasunduan naman yun?" seryosong tanong ko.
"Isang arranged marriage. Hindi lang yun basta pagkikipagkasundo na ipakasal ka, kundi isa din yung joint venture between the two largest and powerful companies which is Tan International Corporation and Han International Group of Companies." Paliwanag ni dad.
Nabigla ako sa narinig ko. "Ano?? Marriage arrangement??" Huminga ako ng malalim sandali para pakalmahin yung sarili ko. Ang ayoko kasi sa lahat ay yung didiktahan at pakekealaman ang buhay ko. "Ipinagkasundo niyo kong ikasal sa babaeng hindi ko kilala??"
"Hindi naman agarang kasalan ang magaganap. Bibigyan namin kayo ng panahon para magkakilala at sa pagdating ng tamang oras, tsaka naming kayo ipapakasal." –daddy
"Pero dad...?" naputol yung sasabihin ko nang magsalita agad si dad.
"Ryan. Kung kokontrahin mo lang ang napagdisisyonan ko na ay maaari ka ng umalis. Marami pa kong gagawin." Aniya sabay kuha sa mga porfolio sa tabi niya at nagsimula na siyang pumirma.
Gustung-gusto kong kumontra at magreklamo, pero alam kong kapag nagsimula na siyang magbisi-busyhan ay wala na akong magagawa pa para kausapin siya ng maayos, kaya tumalikod na din ako at umalis. Umalis ako ng opisina ni daddy nang masama ang loob ko.
~Aaron's POV~
(Student Council Office)
Habang nasa kalagitnaan kami ng meeting ng iba pang student council officers...
"Napanood niyo ba sa TV kaninang umaga ang balita?" pag-oopen ni Jiro Chen. Siya ang SC president.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...