~Joey's POV~
(Flashback)
Nakahiga na ko sa kama at patulog na sana ako nang bigla kong maisipang tingnan yung mga kinunan naming pictures kanina. Hinahanap ko sa bag ko yung camera ko, pero bigla kong naalala na si Ryan nga pala ang may hawak nun kanina. Kaya naisip ko na paniguradong na sa kanya yun. Tutal naman na may connecting door sa pagitan ng mga kwarto namin, so sa halip na lumabas pa ko ay dun ko nalang siya kinatok. Nang pagbuksan ako ni Ryan ay nagulat ako nang makita ko siyang nakatowel lang, kaya bigla akong napatakip ng mata ko.
"Oh bakit?" pataymalisyang tanong niya.
Sunod akong tumalikod sa kanya. "Uhm... pwede, magbihis ka muna? Hindi ka ba nilalamig? Pahubad-hubad ka dyan??" sabi ko.
"Eh katatapos ko lang kasing magshower. Ang arte naman nito? Sige, wait lang." aniya at muli niyang isinara yung pinto, pero hindi nagtagal ay binuksan na din ulit niya ito ng nakabihis na siya. "Ano bang kailangan mo?" tanong niya.
Humarap na ko sa kanya. "Kukunin ko lang sana yung camera ko." sabi ko.
"Ah.. eto ba?" aniya at ipinakita niya yung camera.
Aktong kukunin ko na sa kanya yung camera nang bigla niya iyong iiwas sa 'kin. Seryoso ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya, then bigla niya kong nginisian.
"Kiss muna." Sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pwede ba? Hindi ako nakikipagbiruan." Muli kong tinangkang kunin yung camera sa kanya at muli na naman niya itong iniiwas sa 'kin. "Ano ba Ryan? Ibigay mo na nga sa 'kin yan!" sa puntong 'to ay medyo naiinis na ko.
"Kiss nga muna." Pagpipilit niya.
"Hindi nga sabi ako nakikipagbiruan, ano ba!" medyo nagtaas na ko ng boses dahil sa inis ko.
Nagmatigas pa rin si Ryan at hindi talaga niya agad ibinigay sa akin yung camera ko. Kinailangan ko pa yung agawin sa kanya. Habang sinusubukan kong agawin sa kanya yung camera ko ay pilit din siyang umaatras para iiwas sa 'kin yun. Sa kakaatras niya ay biglang siyang natisod sa kama dahilan para ma-out of balance siya, damay ako. Sa bilis ng pangyayari... nagulat nalang ako nang sa pagmulat ko ay magkadampi na ang mga labi naming dalwa.
Ang sagwa mang isipin pero ganun na nga! Nakahiga si Ryan sa kama habang nasa ibabaw niya ako at magkadampi ang aming mga labi!!
Hindi nagtagal ay bilisan din akong bumangon, at sunod na bumangon din si Ryan. Ramdam ko ang pagkapal ng pisngi ko sa nangyari.
"Oh? Bakit parang namumula ka??" pagpuna niya.
Agad akong napahawak sa mukha ko, at dala na din ng sobrang kahihiyan ay agad kong kinuha yung camera ko sa kanya. Magwo-walk nalang sana ako palabas ng kwarto niya, pero muli ko din siyang binalikan nang may malimutan akong sabihin.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...