~Joey's POV~
Laking pagtataka ko nang bigla akong abutan ni Hana ng envelope. "oh." Aniya.
"Ano 'to?" tanong ko sabay tingin ko sa kanya.
"Invitation yan para sa birthday party ni Aaron." Sagot naman niya.
Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan! Birthday na nga pala ni Aaron next week!
"Oo nga pala. Next week na ang birthday niya. Uhm.. pero... sigurado ka ba??" at binigyan ko siya ng seryoso-ka-ba-sa-pag-iinvite-mo-sa-kin look.
Agad kong nakita ang pagbuntong hininga ni Hana. "Alam mong ayoko sayo, pero dahil ikaw ang itinuturing niyang bestfriend.. no choice ako kundi imbitahin ka." deretsong paliwanag niya.
"Ahh... Alam mo Hana, hindi ko din naman talaga kailangan nito eh." sabi ko at bahagya kong itinaas yung invitation card. "Kasi kahit naman hindi mo ko bigyan ng invitation eh sadyang invited talaga ako." medyo pagyayabang ko pa. "...pero salamat na din ha? Sige." at umalis na ko.
Ramdam kong usok na naman ang ilong niya dahil dun sa sinabi ko. Pang-asar lang. J
Pagkaalis ko ay dumeretso agad ako sa garden.
~Harvey's POV~
Nakatambay lang ako sa labas ng classroom sa hallway nang dumaan si Hana na may dala-dalang parang invitations. Padaan na siya sa harap ko nang makasalubong niya si Megan. Habang abala siya sa pakikipag-usap kay Megan ay tahimik akong lumakad malapit sa kanya at mabilis akong kumuha sa invitations na hawak niya nang hindi niya namamalayan. Binasa ko ang laman ng invitation at dun ko lang nalaman na may malaking party na magaganap sa bahay ni Aaron Won.
"At dahil naiinip ako. magandang pagkalibangan din 'to." Sabi ko sa sarili ko.
Sa paglalakad ko ay nakita ko naman si Anica, kaya agad ko siyang tinawag. "Anica!"
Sa paglingon niya ay agad ko siyang nilapitan.
"Oh? Anong kelangan mo Mr. Harvey Kim?" aniya sabay taas ng isa niyang kilay.
"Uhm.. wala naman. Namiss lang kita eh Ms. Anica Shin... Babe?." Panunukso ko.
"Don't start with me Harvey Kim. It's not funny!" agad kong nakita ang pagkairita sa mukha niya.
"Ikaw naman? Hindi ka na mabiro? Para namang wala tayong past niyan eh?" pangiti kong wika.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...