CHAPTER 11: "The Dinner Meeting"

326 19 0
                                    


~Ryan's POV~



Nauna kami sa restaurant nina mom at dad, kaya kami ngayon ang naghihintay kina Chairman Han. Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkainip. Tatayo na sana ako nang biglang dumating si Chairman Han. Agad ko siyang binati ng may paggalang, pero laking gulat ko nang makita ko si Joey na siyang kasama niya.


Anong ginagawa niya dito?? Bakit siya kasama ni Chairman Han??


"IKAW??" pareho at tila gulat naming sambit ni Joey sa isa't-isa.


Si Joey ang apo ni Chairman Han!??


"Uhm.. Ryan, siya ang aking apo na si Janice." Pagpapakilala ni Chairman sa 'kin kay Joey.


Janice?? Teka.. bakit Janice ang tawag ni Chairman kay Joey??



~Joey's POV~



Ipinakilala na ko ni lolo kina Ryan as Janice Han. Samantalang bakas na bakas naman ang pagtataka ngayon sa mukha ni Ryan sa kung bakit Janice ang pagkakapakilala sa 'kin ni lolo.


Habang naghahapunan...


"Uhm.. Ryan. Janice. Napansin ko kasing parang pareho kayong nagulat kanina nung makita niyo ang isa't-isa?? Kung hindi ako nagkakamali... Is it possible na nagkita na kayo before??" paoopen ng usapin ni Mr. Tan.


Agad naman akong napatuwid ng upo. "Uhm.. ang totoo po kasi niyan..." sinulyapan ko muna si Ryan bago ko ipagpatuloy yung sasabihin ko. "...pareho lang po kami ng school na pinapasukan at... at classmates po kami ni Ryan." pagsasabi ko ng totoo.


Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat ni Mr. Tan sa sinabi ko. "I see... Totoo ba yun Ryan??" pagkukumpirma pa niya kay Ryan.


"Oo, classmates kami." Casual at seryoso niyang sagot.


"Kung ganun.. nakakatuwa naman! So magkakilala na pala talaga kayo?? Edi hindi na kayo mahihirapan pa para kilalanin ng lubos ang isa't-isa. I'm sure madali na kayong magkakasundo niyan!" tuwang wika ni Mrs. Tan.


Nagfake smile lang ako bilang sagot tsaka ako napatingin kay Ryan na halatang hindi din siya sang-ayon sa sinabi ng mama niya.


Kung alam niyo lang po na hindi talaga kami magkasundo niyang lalaking yan. Akala mo kasi kung sinong gwapo, napakapilyo pa, silent but deadly, kaya dapat lagi na ko mag-iingat kapag nakikita ko siya sa school.


Habang tinitingnan ko si Ryan ay bigla din siyang napatingin sa gawi ko. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang sa mga tingin niya, kaya umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Buong dinner meeting ay walang ibang focus ang usapan nina lolo at parents ni Ryan kundi ang marriage arrangement naming dalwa. Habang kami naman ni Ryan ay parehong walang imik lang na nakikinig. Naisipan kong magpunta ng CR kaya nagpaalam ako sa kanila. Then after ko sa CR... pagkalabas ko ay medyo nagulat ako nang si Ryan agad ang nakita ko na nakatayo at nakasandal sa pader. Dedeadmahin ko sana siya at dederetso ako pabalik sa table, pero napatigil ako nang bigla siyang magparinig.

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon