CHAPTER 14: "Unexclusively Dating"

357 20 0
                                    

~Joey's POV~



Halos 6 months na din ang nakalipas mula ng magtransfer ako ng Chung Ju at sa anim na bwan na yun ay napakadami na ding nangyari. Isang bwan naman ang nakakalipas mula ng ma-enggaged kami ni Ryan, at isang bwan na din kaming parang aso't-pusa na hindi magkasundo.


Nakakainis naman kasi! Lagi na akong pinagtripan! Walang araw na hindi niya ko ginawan ng kalokohan, pero hindi naman niya ko sinasaktan. Naiinis lang ako kasi para siyang bata na ginagawa akong laruan na pinagkakatuwaan.


Alam ng lahat ng estudyante sa Chung Ju ang tungkol sa status namin ni Ryan. May ilang natutuwa at kinikilig pa, at may ilan din namang naging bitter dahil sa inggit. Ang lagay namin ngayon ni Ryan ay enggaged kami. Karamihan sa kakilala namin ay ikinoconsider kaming dalwa as couple.


Pero para sa 'kin ay parang normal lang din. Yung tipong enggage lang kami pero hindi kami magkarelasyon. Ang gulo noh?? Ang hirap naman kasi ng single ka tapos bigla kang magkaka-instant fiancé. Ni wala pa nga akong experience sa pagboboyfriend eh. Ang masaklap pa, yung ipinagkasundo sa 'king maging fiancé ko, yun pa yung taong hindi ko makasundo. Hay naku talaga!



~Ryan's POV~



Isang bwan palang kaming enggage ni Joey. Nabobored ako sa relasyon namin kaya nilgyan ko ng konting thrill. Walang araw na hindi ko siya pinagtripan. Sinasadya kong lagi siyang asarin at inisin. Ewan ko ba, pero tuwang tuwa ako kapag nakikita kong salubong ang kilay niya. Pero hindi din naman niya magawang magalit ng tuluyan sa 'kin. Para kaming aso't-pusa na dalwa, pero madalas ay kami din naman ang magkasama. Madalas ko siyang isabay pag-uwi. Hindi dahil sa sinabi ni mommy pero parang unti-unti na din akong nasasanay na kasabay siya pag-uwi. Yung tipong hindi ako komportable nang hindi ako ang naghahatid sa kanya sa kanila.


Simula nung naenggage kami ni Joey.. madalas man kaming mag-away, madalas man siyang inis sa 'kin ay unti-unti ko namang nararamdaman na nagiging komportable ako sa kanya.


Hindi naman mahirap pakisamahan si Joey eh. Siya pa nga ata ang nahihirapang pakisamahan ako, dahil sa mga ginagawa kong kapilyohan sa kanya.


(Sa school)


Halos 1 week din kaming hindi nagkita ni Joey, dahil may kanya-kanya kaming pinagkaabalahan ng nagdaang linggo. Isinama ako ni Daddy sa business trip niya, habang may sariling inasikaso din naman si Joey sa school. Tamang-tama lang ang pag-uwi ko ngayon dahil sa araw na ito ay ang 1st month namin bilang mag-fiance ni Joey, kaya naman nakaisip ako ng bagong kapilyohan na hinaluan ko ng sweetness para naman matuwa siya sa 'kin kahit konti.

Hindi kami nagpapansinan ni Joey nung 1st and 2nd subject namin, pero pagdating ng break time ay dun ko na ginawa yung plano ko. Sumabay ako pagkain sa iba naming classmates. Dumating si Joey kasama nina Aaron. Nauunang naglalakad si Joey papunta sa counter para bumili sana ng pagkain, pero nang mapadaan siya malapit sa may akin ay pasimple kong inihara yung paa ko. Nang matalapid si Joey at aktong matutumba siya ay agad ko din siyang sinalo.

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon