~Author's POV~
(Han International Group of Companies' Press Conference)
"Mr. Chairman, ano pong meron at bigla kayong nagpatawag ng prescon?" tanong ng isang reporter.
"Nagpatawag ako ng prescon, dahil may gusto akong ipaalam sa lahat...." Panimula ni Chairman Han.
(Kan's Residence)
Habang nanunuod ng T.V. ang papa ni Joey ay saktong naabutan niya ang prescon ni Chairman Han.
"Teka, si Chairman Han?" Hindi na siya nagdalwang-isip na tawagin ang asawa na nasa likod lang ng bahay. "Mama! Mama! Si Chairman Han nasa TV! Dali!"
Pamadali namang pumunta sa salas si Mrs. Kan.
"Oo nga, si Chairman Han nga!" Sabi niya nang maabutan ang balita.
"Bakit kaya siya nagpa-prescon? Ipapakilala na ba niya si Joey bilang nawawalang tagapag mana ng kompanya niya? ano sa tingin mo papa?" medyo pachismosang tanong ni Mrs. Kan.
"Hindi ko alam, panoorin na lang natin kung para saan yang prescon na yan ni Chairman Han." Sagot naman ni Mr. Kan.
(Han International Group of Companies' Press Conference)
"...Ipinatawag ko kayo para ipaalam sa inyo ang isang napakahalagang balita." Pauna ni Chairman Han.
"Ano pong balita yun Chairman?" Tanong ng isa pang reporter.
"Ngunit bago ko ipaalam ang balitang yun ay may gusto lamang muna akong sabihin..." Pagpapabitin niya. "Halos labing walong taon din ang hinintay ko para dito at lingid sa inyong kaalaman na halos limang taon din ang aking ginugol para lang sa paghahanap. Noo'y halos mawalan na din ako ng pag-asa ngunit hindi ako sumuko, dahil nangako ako sa yumao kong anak na hahanapin ko SIYA..." Sandali siyang natigil. "At ngayon na ang panahon na natupad ko na ang pangakong yun sa aking kaisa-isang anak, at yun ay ang matagpuan at muling makasama ang aking apo na si Janice Han."
Biglang nagtayuan ang mga reporters sa pag-aakalang masisilayan na nila si Janice, at lalo pang dumami at lumiwanag ang mga flash ng camera nila.
"Teka lang, hindi ko pa siya maipapakilala sa inyo ngayon, dahil may itinakda akong panahon para dun. Sa ngayon, yun na lang muna ang aking maibabahagi sa inyo. Maraming salamat sa pagpunta." Dun natapos ang anouncement ni Chairman Han tungkol sa apo niyang si Janice.
Umalis na siya ng conference room pagkatapos. Sinubukan pa siyang sundan ng mga reporters ngunit hinarang na sila ng mga bodyguards niya.
~Joey's POV~
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...