~Joey's POV~
(Sa school)
Umagang umaga ay si Harvey agad ang bumungad sa 'kin, sinubukan ko siyang iwasan pero sinadya niya akong harangan.
"Hi Ms. Janice Han! Or soon to be... Mrs. Janice Tan. Wow! rhyming ah?" sarkastiko niyang wika.
"Pwede ba Harvey? Busy ako kaya wala akong panahon para patulan yang trip mo." Malamig na pagtataray ko sa kanya.
Muli ko siyang sinubukang iwasan pero mabilis niya kong nahawakan sa braso.
"Teka lang, kinakausap pa kita eh." –Harvey
Sinubukan kong pumalag sa hawak niya. "Ano ba Harvey!? Bitawan mo nga ako!"
Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin.
"San mo ko dadalhin!?" –ako
Dinala ako ni Harvey sa isang bakanteng classroom.
"Ano bang kailangan mo sa 'kin!?" –ako
"Mismong ikaw ang kailangan ko Joey." –Harvey
"Huh? Ano!? Bakit ako??" –ako
"Ikaw ang Fiance ni Ryan diba?? Ngayong parte ka na ng buhay niya.. masmapapadali na ngayon para sa 'kin ang mapabagsak siya." –Harvey
"Ano bang iniisip mo Harvey?? Bakit ba ganun na lang ang galit niyo ni Ryan sa isa't-isa?? At bakit pati ako kailangan mong idamay?? Ganun ba kalaki ang kasalanan ni Ryan sayo para ganun na lang din katindi ang kagustuhan mong pabagsakin siya???" –ako
~Harvey's POV~
"Ano bang iniisip mo Harvey? Bakit ba ganun na lang ang galit niyo ni Ryan sa isa't-isa? At bakit pati ako kailangan mong idamay?? Ganun ba kalaki ang kasalanan ni Ryan sayo para ganun na lang din katindi ang kagustuhan mong pabagsakin siya???" –Joey
Medyo natigilan ako sa tanong niya at biglang bumalik sa 'kin ang lahat.
(Flashback... 2 years ago)
Bestfriend kami ni Ryan mula grade school hanggang 1st year highschool. Sobrang close naming dalwa at ni hindi kami mapaghiwalay. Partners in crime din kami na kapag may umaway sa isa sa 'min ay yung isa naman ang reresbak para iganti ang naagrabyado. Magkasundo kami sa lahat ng bagay. Kung ano yung gusto ng isa ay yun na din ang gusto ng isa pa.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...