CHAPTER 13: "The Big Revelation"

398 21 0
                                    


~Joey's POV~



Weekend ngayon kaya walang pasok sa school, at ito din ang itinaong "The BIG Day" para sa 'kin. Dahil sa araw na ito ay ipapakilala na ko ni lolo as Janice Han sa lahat at the same time ay ito din ang araw ng official enggagement namin ni Ryan. Sa sobrang tense ko para sa magaganap na event ay hindi ako natulog sa bahay ni lolo kagabi. Sa halip ay natulog ako sa bahay nina mama at papa, at sa kanila ako nagpa-comfort bago man lang ako sumabak sa araw na 'to.

Sobrang kabado na ako sa sasakyan palang, at lalo pa akong kinabahan nang makarating na ko sa kompanya ni lolo. Habang naglalakad ako papunta sa venue ng press conference ay patuloy kong pinapakalma ang sarili ko.


"Joey, wag kang kabahan. Relax ka lang okay? Relax ka lang. Ipapakilala ka lang naman ng lolo mo sa media eh, kaya relax ka lang." pagpapakalma ko sa sarili ko.


Nang hindi ako makatiis ay dumeretso muna ako sa CR. Nilock ko ang pinto at dun ako naglabas ng kaba ko.


Nagpalakad-lakad ako sa buong CR. "Anong gagawin ko!?... Hindi ko magawang mag-relax!... Oo, ipapakilala lang naman ako ni lolo... pero sa media! Ibigsabihin nun... buong bansa ang makakapanood at makakakilala sa 'kin! At malamang, mapapanood din yun ng mga taga Chung Ju! Hindi pa nga ako maka-move on dun sa kahihiyang nangyari sa 'kin sa party ni Aaron eh." isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko dala ng tense at frustration na nararamdaman ko.


Ilang sandali pa ay natigil ako, pero hindi din nagtagal ay kinatok na din ako ng isa sa mga body guards na nagbabantay sa 'kin.


"Ms. Janice, hinahanap na kayo ni Chairman Han. Malapit na daw po magsimula yung press-con." –BG


"Ahh.. O-oo! Sige! Lalabas na din ako!" sagot ko.


Nagpalipas pa ko ng ilang sigundo para sa pagpapakalma ko sa sarili ko at hindi din nagtagal ay lumabas na ako ng CR at pumunta na sa venue. Nang makarating na ako sa venue.. bago ko pa man buksan ang pintuan ay muli kong kinalma ang sarili ko sa huling pagkakataon bago man lang ako humarap sa media. Huminga muna ako ng malalim at ilang sandali pa'y binuksan ko na din ang pintuan ng conference room.



~Author's POV~



Nakatutok ang lahat sa mga telebisyon nila para sa pagpapakilala ni Chairman Han sa long lost grand daughter niya at future heir ng Han International Group of Companies. Maging ang mga foster parents ni Joey at si Aaron na siyang nakakaalam lang ng totoo ay nanunuod at nakaabang din.


(Sa conference room)


Sa pagsisimula ng conference... habang inihahanda ni Joey ang sarili niya ay sinimulan na ng Chairman Han ang speech niya. Nang ipapakilala na niya si Joey...


"......This is the right time for me to personally introduce to you the future heir of Han International Group of Companies and my long lost grand daughter... Janice Han!"

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon