~Joey's POV~
Sa paglabas ko ng library ay dun na nagsimula ang pag-iisip ko ng kung anu-ano. Pakiramdam ko'y parang sasabog sa bigat ang dibdib ko, at parang unti-unting nawawalan ng lakas ang mga binti ko, kaya naman agad akong umupo sa bench pagkarating ko sa garden.
Si Ryan?.. at Anica?... malamang nagkabalikan na sila.
Dapat masaya ako, dahil sila naman talaga yung nagmamahalan diba?
Pero bakit ganito? Hindi ko magawang ngumiti at sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Namalayan ko nalang bigla ang pagtulo ng luha ko. Pinahid ko ang luhang tumulo gamit ang likod ng kamay ko, at nang mapagmasdan ko yun sa kamay ko ay tuluyan na kong nadala sa emosyon ko.
"Hindi ko dapat sila nakita sa ganung sitwasyon. Ang sakit pala? Ang sakit palang malamang nagmamahal ka na." bumuntong hininga ako ng malalim. "Joey, ito na yung tamang pagkakataon para itigil niyo na ang pagpapanggap niyo."
Matapos kong makapagdesisyon ay sinimulan ko na ding layuan si Ryan.
~Anica's POV~
Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Joey at tumigil siya sa harap ko.
"Oh bakit?" –ako
"Congrats Anica." –Joey
"para saan??" –ako
"diba nagkabalikan na kayo ni Ryan?" –Joey
Oh I see... So it means na nagtagumpay ako sa plano ko? Mabuti naman kung ganun!
"Ah.. oo. And thanks to our teacher dahil kami ni Ryan ang pinagpartner niya." sabi ko then smile.
"ahh... sana masaya ka na Anica. At sana maging masaya na din kayo ni Ryan." –Joey
"Oo naman." –ako
Walang imik na umalis na si Joey pagkatapos.
(Flashback)
Nasa library kami ni Ryan. Habang naghahanap siya ng libro ay bigla kong naramdamang nagvibrate ang phone niya na naiwan niya sa table. Nang makita kong si Joey ang nagtext ay agad akong nakaisip ng plano. Ako ang nagreply kay Joey, at nang makita ko na siya sa library ay agad kong pinuntahan si Ryan.
"oh? Diba sinabi kong maghintay ka dun?" seryosong sabi ni Ryan pagkalapit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...