CHAPTER 12: "Gatecrashers"

303 20 0
                                    

~Joey's POV~



(Won's Residence)


Birthday na ni Aaron, at invited lahat ng ka-batch namin lalo na yung mga classmates namin na ka-close niya, at syempre, kasama na ko dun bilang bestfriend niya. Hindi din naman siya ganun ka-enggrande kasi semi-formal lang ang attire ng lahat. Nang makarating na ako sa party ni Aaron ay naabutan kong napakadami na ng mga bisita. Hindi ko agad nahagilap si Aaron kaya hinanap ko pa siya. At nang makita ko siya na kasama ni Hana ay agad ko silang nilapitan.


"Happy Birthday Aaron!" bati ko kay Aaron. Yayakapin ko sana siya nang harangan ako ni Hana.


"Hep hep hep! At sinong may sabing pwede mo siyang yakapin?" taas kilay niyang wika.


"Ah okay. Uhm.. ito nga pala yung regalo ko." At inabot ko nalang kay Aaron yung regalo ko.


"Salamat Joey." Nakangiting sabi sa 'kin ni Aaron.


"Uhm.. Aaron, pinapatawag nga pala tayo ni tita (Aaron's mom). Tara?"


Gagawa at gagawa talaga siya ng excuse para lang hindi kami magsama ni Aaron. *sigh*


"Ah ganun ba?" wika ni Aaron kay Hana. Then sunod siyang bumaling sa 'kin. "Uhm Joey, maiwan muna kita ah? Okay ka lang ba dito?" tanong niya.


"Ah oo. Okay lang ako. Sige lang." sagot ko.


"Sure ka ha?" paniniguro pa niya.


"Oo." Sagot ko.


"Aaron, tara na!" akit ni Hana kay Aaron.


Iimik pa sana ako pero hinatak na ni Hana paalis si Aaron. Naiwan ako mag-isa ngunit ilang sandali pa ay bigla naman akong nilapitan ni Patrick.


"Joey??... Wow! Ang ganda mo! Bagay na bagay sayo yang damit mo!" puri niya sa 'kin.


"Ah.. Salamat." Sagot ko.


"Uhm.. Joey, gusto mong sumayaw?" alok niya sa 'kin.


"Ah.. hindi, ayoko." Tanggi ko.


"Sige na, sayaw tayo? Please?" pangungumbinsi niya sa 'kin.


"Ahh.. Hmm.. hindi ako marunong sumayaw eh." Dahilan ko.


Kukulitin pa sana ako ni Patrick nang bigla siyang makita ng mga SC officers na kasama niya.

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon