CHAPTER 21: "The Threat"

271 19 0
                                    

~Someone's POV~



Nasa puntod ako ng bestfriend ko...


Habang pinagmamasdan ko ang lapida ng yumao kong matalik na kaibigan ay nanumbalik ang lahat ng masama kong ala-ala dahilan sa pagkamatay niya.


(Flashback... 2 years ago)


Si Alfred ang estudyanteng paboritong pagtripan ng magbestfriend na sina Harvey Kim at Ryan Tan. Sa araw-araw na ipinasok niya sa Chung Ju ay walang oras na hindi siya pinagtripan ng magkaibigan. Lahat ng klase ng pagpapahiya at pang-aabuso sa pagiging mahina niya ay naranasan niya kina Harvey at Ryan. May ilang beses pa siyang naospital dahil sa kagagawan nung dalwa. Pero sa kabila ng lahat ng yun ay nananatili pa din siyang tahimik at walang kibo, dahil sa sobrang takot niya dun sa dalwa. Samantalang ako na bestfriend niya ay wala ding magawa kundi ang manahimik, magbulag-bulagan, at magsawalang kibo sa isang tabi sa kadahilanang wala akong sapat na lakas ng loob na lumaban kina Harvey at Ryan para ipagtanggol si Alfred.


Minsan ko ding sinubukang makialam, pero katakot-takot na pagpapahiya at grabeng sakit ng katawan ang inabot ko sa kanila. Kaya simula nun ay hindi ko na sinubukang makialam pa ulit. Kahit masakit sa loob kong makita ang bestfriend kong naghihirap sa kamay nina Ryan at Harvey ay tiniis ko yun, dahil sa trauma kong minsan nilang ipinaranas sa akin. Hanggang sa mabalitaan ko nalang na nagpakamatay si Alfred sanhi ng sobrang depresyon.


Sobra kong ikinalungkot ang nangyari, at yun ang nagtulak sa akin para maghiganti kina Ryan at Harvey. Nang makaisip agad ako ng plano para sirain ang maganda nilang samahan ay hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon para magawa ang planong yun. Palihim kong ninakaw kay Ryan ang isang bagay na si Harvey mismo ang nagbigay sa kanya, at ibinigay ko yun sa mga binayaran kong estudyante para bumugbog kay Harvey, at palabasing tinraydor siya ni Ryan.


At tulad ng inaasahan kong resulta ay nagtagumpay ako sa plano ko. Nasira ko ang magandang samahan nina Ryan at Harvey, at siguradong pareho silang mahihirapan para maibalik pa yun.


(End of Flashback)


Harvey.. Ryan.. kung akala niyo tapos na ko sa paghihiganti ko sa inyo.. nagkakamali kayo. Ngayon palang ako magsisimula sa paniningil ko ng kabayaran sa ginawa niyo sa kaisa-isang tao na itinuring kong bestfriend. Ihanda niyo na ang mga sarili niyo, dahil sisiguraduhin kong luluhod kayo sa harapan ng puntod na 'to.



~Joey's POV~



Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng magtapat sa 'kin si Ryan. Sa bahay namin sila nagdidinner ng parents niya ngayon. Magkatapatan kaming kumakain ni Ryan habang medyo awkward ang pakiramdam ko sa harapan niya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang hindi naman ako makatingin ng deretso sa kanya.


Kung yelo lang ako, malamang, kanina pa ko natunaw sa mga tingin niya!


"Uhm Chairman, salamat nga pala for inviting us here for dinner. Medyo matagal na din kasi since nung last dinner meeting natin eh, because of the busy schedules." –Mrs. Tan

My Instant Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon