~Joey's POV~
Magsisimula na ang first subject ko kaya medyo dalian akong kumuha ng gamit sa locker ko, pero nagulat ako nang sa pagbukas ko ng locker ko ay may nakita akong isang piraso ng pulang rosas na nakapatong sa mga libro ko. Kinuha ko yung bulaklak at pinagmasdan. Wala itong note kung kanino galing.
"Kanino naman kaya galing 'to?" sabi ko sa sarili ko.
Lumingon-lingon ako sa paligid ko at nag baka sakali na makita ko yung naglagay nung bulaklak sa locker ko, pero wala naman akong nakita na kahina-hinala. Hindi ko na lang gaanong pinroblema yun at pumunta na ko sa classroom. Hindi lang yun ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Lagi na akong nakakakita ng bulaklak sa locker ko tuwing umaga at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung kanino ba talaga galing ang mga yun.
(Canteen)
Habang kasama ko sina Aaron at Hana ay sinabi ko sa kanila yung about dun sa mga natatanggap kong bulaklak.
"Ano Joey? May naglalagay ng bulaklak sa locker mo?? Parang secret admirer? Ganun?" –Aaron
"May secret admirer?.. Ako??" sabi ko sabay turo sa sarili ko. "Hindi naman siguro? Baka napagkakamalan lang niya yung locker ko na locker nung mismong gusto niya." dahilan ko.
"Oh C'mon Joey! He's very stupid if until now he doesn't figured out na maling locker yung pinaglalagyan niya ng flowers. You said that you are receiving flowers for almost a week!? So it means.. hindi siya nagkakamali, at talagang ikaw yung gusto niya. Ganun lang yun!" –Hana
"Pero kung ganun na nga.. eh sino naman kaya siya?" –ako
"And that's for you to find out kung sino yung secret admirer mo." –Hana
"Ahhh.. teka, nasan nga pala si Patrick? Parang hindi ko ata siya nakikita mula kanina?" tanong ko pag-iiba ng usapan.
"Ahh.. that guy?... Maybe he's somewhere. Baka nakakita ng ibang makukulit." –Hana
"Parang napansin ko siya kanina na papunta ng library. Nakasalubong ko siya pero halatang parang nagmamadali siya, kaya pinabayaan ko na." –Aaron
"Ah ganun ba?" –ako
Bigla naman akong napaisip.
Hindi kaya si Patrick ang naglalagay ng bulaklak sa locker ko??... Siya lang naman kasi ang pwede at may lakas loob na gumawa nun eh.
OO, tama! Tatanungin ko na lang siya ng maayos. Hindi din naman kasi siya makakatiis na hindi umamin kapag tinanong ko siya eh.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Teen FictionPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...