~Ryan's POV~
Agad akong nakahinga ng maluwag nang good news ang sinabi sa 'kin ng doctor tungkol sa kalagayan ni Harvey, kaya naman nang makarecover ako ng tuluyan ay binisita naming siya ni Joey sa ospital.
(Sa kwarto ni Harvey)
Pagpasok namin ni Joey ng kwarto ay naabutan naming gising si Harvey.
"Kamusta?" bungad ko sa kanya nang makalapit ako sa kama niya.
"Heto kating-kati ng umuwi, pero sabi nila uubosin lang 'tong dextross at pwede na daw akong madischarge." Mababakas ang inip sa itsura niya pero wala naman siyang magawa kundi ang sumunod sa sinabi ng doctor, kaya naman hindi ko napigilang lihim na mapangiti.
"Talaga? Good news yan!" nakangiting saad ni Joey dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Uhm.. alam mo bang sobrang nag-alala si Ryan nung mga panahong wala kang malay??"
Hindi ko inasahang sasabihin niya yun kaya naman agad napataas ang kilay ko.
"Talaga?? Nag-alala siya?" tanong ni Harvey kay Joey tsaka niya ko tinapunan ng mabilisang tingin.
Nakaramdam ako ng hiya kaya naman pasimple kong sinaway si Joey. "Joey.."
"Ano ka ba Ryan? Wag ka na nga mahiya! Natural lang naman na mag-alala ka sa bestfriend mo eh." tila nanunukso pa niyang wika pero nang seryoso ko siyang tingnan sa mata ay nun niya lang nabasa ang iniisip ko. "Ah.. teka.. parang bigla akong nauhaw? Uhm.. labas lang muna ako ha? Bibili lang ako ng maiinum. Sige, maiwan ko muna kayo." aniya tsaka siya lumabas ng kwarto.
Nang maiwan kaming dalwa ni Harvey ay nun lang ako muling kumalma at seryoso ko siyang tiningnan... "May gusto lang akong linawin. Tanda mo pa ba yung mga sinabi mo sa 'kin nun bago ka mawalan ng malay? Tunay ba yun? at bakit mo nasabi ang mga yun?" deretso at sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Ah.. yun ba? Narealize ko yun matapos kong malaman yung totoo." Simpleng sagot niya.
"Anong totoo??" –ako
"Umamin sa 'kin si Patrick na kagagawan niya yung nangyari sa 'tin 2 years ago. Siya mismo ang naglinis ng pangalan mo." –Harvey
"Ano? Si Patrick din ang nasa likod nun? Grabe pala talaga ang galit niya sa 'tin dahil sa nangyari kay Alfred." –ako
"Teka, maiba ako. May balita na ba kayo sa kumag na yun?? Hindi pa ko nakakaganti sa ginawa niya sa 'kin." –Harvey
"Wag mo ng intindihan yun, dahil hindi na natin siya makikita pa. Hindi na siya pumasok matapos nung nangyari. Malamang nagpakalayu-layo na yun." Sabi ko naman tsaka ako namulsa.
BINABASA MO ANG
My Instant Love [COMPLETED]
Novela JuvenilPano kung isang araw, pagmulat mo.. Bigla nalang nagbago ang lahat sa buhay mo? Pano mo ihahandle ang mga pagbabagong yun?? Inilipat si Joey ng mga magulang niya sa school ng bestfriend niya. At sa paglipat niyang yun ay hindi niya inakalang sa scho...