Summary

89.3K 490 67
                                    

Sabi ng nanay ko MAGANDA ako.

"Anak maganda ka. Hayaan mo sila sa panlalait nila sa iyo. Inggit lang sila kasi masyado kang maganda para sa kanila. Nauungusan mo sila. Kaya ganun sila."

Sabi ng iba panget at ilusyunada daw ako.

"Grabe, akala mo maganda. Kung maglakad parang sa kanya ang daan ah. Nakakatawa siya, napakailusyanada talaga."

Dumagdag pa ang tatlo na pinakagwapong lalaki 'DAW' sa eskwelahan.

"Sinong nagsabi sayo na maganda ka?"

"Nanay ko."

"Hahaha. Inuuto ka lang ng nanay mo."

"E sino ang paniniwalaan ko? Ikaw? Hahaha. Ano ako uto-uto? Ngayon lang nga kita nakausap, paniniwalaan na kita. Kaya chupi, nasisira ang maganda kong aura."

Sino ang paniniwalaan ko? Ang nanay ko na mag-isang bumuhay sa akin dahil iniwan ng tatay kong pera lang ang pinapahalagahan o ang mga taong sa akin ay naiinggit lamang? E di saan pa, sa nanay ko, siyempre.

Tara at samahan akong ipagbunyi ang angkin kong kagandahan!

CF October 8, 2013

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon