Panget 1

28.3K 378 78
                                    

"Salamin, salamin, ipakita sa akin ang kagandahang angkin." hinawi ko ang tuwalyang binalot ko kanina sa malaking salamin at napatulala ako sa nakita ko.

"Ang ganda ko nga. Mali. Ang ganda-ganda ko talaga! Ang ganda-ganda mo Chanda Paquita."sabay lagay ng dalawang kamay ko sa mukha ko at pinanggigilan ang sarili ko.

"Hindi talaga nagsisinungaling ang salamin." ngumiti pa lalo ako. Yung ngiting nakakapalaglag brief. At yun!...nalalag ang brief ni Barney.

Parang kulang pa yata ang kagandahan ko. Hmmm. Kung magpose kaya ako ng kahit ano. Oo nga no. Ipinatong ko ang kamay ko sa kaliwang tuhod ko. Saka inunat ko naman ang kanang paa ko. Hala, ang ganda ko.

Magpose kaya ako ng.."Ay teka!" nasabi ko bigla. May naisip kasi akong magandang pamarehas sa mga pose ko. Nasan kaya yun. Ayun! Pumunta ako sa kinalalagyan ng mataas at umiikot-ikot na bagay, ang mahiwagang stand fan.

Naisip ko kasing mas maganda kung may effect. Tulad ng nakikita ko sa mga model na nagpipictorial. Lumilipad kasi yung buhok nila habang kinukunan sila ng litrato. Sigurado akong stand fan rin yung gamit nila. Alam kong hindi ako nagkakamali dito.

Kinuha ko ang stand fan. Nang makuha ko na ang stand fan ay pinaandar ko na ito at tinapat sa akin, lalong-lalo na sa humahaba ko ng buhok.

Yun lumilipad na. Sakto-sakto ang effect. Ito yung nakikita ko talaga sa mga nagpopose na mga model. Kaya pinagpatuloy ko lang ang pagpose-pose ko.

Parang model lang ako sa harapan ng salamin. Pangarap ko kasing maging supermodel balang araw. Saka gusto ko rin maging Miss Universe. Saka gusto ko rin maging first beautiful and gorgeous and sexy President ng Pilipinas.

Saka...Huwag niyong isiping baliw ako hah. Baka iniisip niyo na ganyan ako. Never akong mababaliw. Kasi, sayang ang kagandahan ko. Ang lalaki ang magiging baliw sa kagandahan ko. Hahaha.

Naramdam ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Biglang dumating ang pinakamamahal kong nanay at lumakad siya patungo sa akin. Tumigil siya nang malapit na siya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. Siya naman ay tinititigan din ang kagandahang pinapakita ng salamin.

"Ang ganda-ganda talaga ng baby ko." sabay kurot sa pisngi ko.

Bigla na lang akong may naalala. "Oo nga nay, maganda talaga ako!" sabi ko na punong-puno ng confidence..

Bigla ko kasing naalala ang mga sinasabi ng mga tao sa akin, lalong-lalo na ang mga kapitbahay namin. Minsan kinukurot nila ang pisngi ko at sasabihing ang pangit ko. Lahat daw ng kapangitan sa mukha sa mundo ay nakuha ko daw. Pwede ba yun?

Pero kahit ganun. Hindi ko sila pinaniniwalaan. Hindi ko sila iniintindi. Eh sa dyosa ang aking kagandahan. Masyado akong maganda para intindihin sila.

"Oo, baby. Maganda ka at paglaki mo...."

"Nay, malaki na ako." putol ko sa sasabihin niya.

"Oo na, malaki ka na. Pero mas lalaki ka pa. Ay, tatangkad ka pa pala. Magseseventeen ka palang. Saka, sigurado akong mas maiinggit sila sa kagandahan mo. Hahaha. Sure na sure ako diyan." nagthumbs-up pa si nanay. Yan ang nanay ko. Hindi nagsisinungaling.

"Nay, yung kapitbahay naman natin, nagsabi na naman pangit daw ako." ngumuso ako. "E hindi naman totoo yun, diba nay?" tanong ko kay nanay.

Lagi kasi akong sinasabihan ng aming mga kapitbahay na ang pangit ko raw. Walang panama si Betty LaFea sa akin. Naungusan ko raw siya sa kapangitan. Kaya minsan may uwi akong kalmot sa mukha. Pero sila, may black eye pauwi. Hahaha. Kasalanan naman kasi nila. Masyado silang sinungaling.

Kaya tinatanong ko si nanay, hindi dahil pinagdududahan ko ang kagandahan ko, kundi dahil ipaalam sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Baka minsan may masuntok ako, alam na ni nanay ang dahilan.

Tinatanong-tanong ko rin siya ng mga bagay-bagaydahil siya lang kasi ang pinaniniwalaan ko. Ayaw kong maniwala sa sinasabi ng iba. Kung si nanay ang magsasabi sa akin ng kahit ano, pinaniniwalaan ko kaagad. E nanay ko yan eh.

Siya at siya lang kasi ang nagpalaki sa akin. Iniwan kasi kami ni tatay dahil sa pera. Mukhang pera kasi yung tatay ko sabi ni nanay.

Noong nalaman kasi ni tatay at ng pamilya niya na buntis si nanay, hiniwalayan niya ito at hindi na nagpakita. Mahirap lang kasi si nanay at ayaw sa kanya ng pamilya ni tatay. At dahil mawawalan siya ng mana, kaya ayun pinili ang humiga sa pera kaysa sa panagutan si nanay. Napakabwisit.

Hindi ko alam kung sino siya. Ayaw ko rin naman alamin kung sino siya. Hindi ko rin nakita ang mukha niya at ayaw ko rin makita ang pagmumukha niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masuntok ko siya.

"Ano?! Sinong kapitbahay natin yan? Susunugin natin bahay nila. Mga sinungaling!" galit na sabi ni nanay.

Hindi na ako nabigla sa reaksyon ni nanay. OA kasi siya magreact. Minsan namamana ko rin yan. Kaya lagi lahat dinadaan sa gulo. Sa marahas na paraan. Kaya...sinasabi ko na mana talaga ako diyan eh. Palaban. "Ako lang ang paniwalaan mo. Sila...sila...sila ay mga walang magawa sa buhay kundi mainggit lang sa kagandahan ng baby ko." nagpout pa si nanay. Yikes. Kadiri. Dapat ako lang.

"Oo naman nay, ikaw lang ang paniniwalaan ko. Hinding-hindi ako maniniwala sa kanila. Ano ako uto-uto. Never. Never. Never. As in capital N-E-V-E-R. NEVER." At nagyakapan kami ni nanay.

Habang nagyayakapan kami ng OA kong nanay. Bigla siyang nagsalita. "Paghandaan mo ang unang araw mo sa kolehiyo, baby. Kasi mas marami ang maiinggit sayo roon. Marami rin ang sinungaling doon. Huwag kang magpapaloko sa kanila. Maging matapang ka. At saka, ipakita mo sa kanila ang kagandahan mo. Lagi mong isipin ang lahat ng itinuro ko sayo. Baby...anak ha?" Hinagod hagod niya pa ang likod ko at sinuklay-suklay ang buhok ko.

"Hindi ko naman nakakalimutan ang lahat ng mga tinuro mo sa akin nay. Nakatatak na yun lahat sa puso at isipan ko. Saka manang-mana ako sayo, no. Maganda na, matapang pa."

Sabay kaming nagtawanan ni nanay at nagtalong-talon pa.

Tumigil kami na parang nauubusan na ng hininga."E-xcited n-na a-ako bukas n-nay."

"Ha-ako r-rin h-anak." nagtawanan kami at nagtalon-talon ulit. Mga baliw lang kami ni nanay.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon