Panget 18

6.4K 137 57
                                    

I have been busy with my works...Meetings...Making Newsletter...Assessment ng Project...Visiting the Community...Lahat-lahat na...Pero sa lahat ng iyon, naiisisingit ko pa ito. Pasalamat ako sa naghihintay at sa mga nagrerequest. Ito na siguro ang last na Author's Note ko. Kaya lubus-lubusin ko na. Kaya salamat sa lahat ng nagbabasa sa storyang...noon hanggang ngayon ay natatawa at natutuwa ako.

Dahil 100 votes na. Heto na...Bye..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~O~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jude's POV

"Sh*t! Mag-iisang oras na...Hindi pa rin siya lumalabas. Mali ba ako sa kutob ko? Sh*t!"

Napasabunot na lang ako sa buhok habang hinihintay ang paglabas ni Chanda. Kumakati na rin ang paa ko para sumugod at alamin ang kalagayan niya.

Kinakabahan na ako ngayon. Hindi lang pala kinakabahan, kundi sobrang kinakabahan. Namamawis na kasi ang noo ko, pati na rin mga kamay ko.

Nang hindi ko na matiis ang sobrang kabang nararamdaman ko ay lumabas ako ng kotse at nagdesisyong tignan ang kalagayan niya sa loob.

  

Do or die na ang ginagawa ko. Pero hindi ko na inisip ang mangyayari sa akin. Bahala na.

Mabilis akong nakapunta sa lugar na inakyatan ko kanina. Nung nasa puno na ako ay aga kong nakita si Chanda.

Buhay siya!

Biglang nabunutan ako ng tinik at tila tumalon ang puso ko sa tuwa. Napangiti ako.

Pero ang hindi ko inaaasahan ang nakita kong pagbagsak ng balikat niya. Nakayuko siya at natatabunan ng medyo mahaba niyang buhok ang mukha niya. Sa lupa lang siya nakatingin habang naglalakad.

Ang ngiti ko ay biglang nawala. Napalitan ito ng kaba at lungkot sa nakikita ko ngayon kay Chanda.

Pansin kong hindi niya alintana ang nasa paligid niya at pumasok na lang sa kotseng kumuha sa kanya kanina. Maya-maya ay umandar na ang kotse at sinundan ko ito ng mata ko.  Dali-dali akong bumaba mula sa puno at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kotse ko.

Hingal akong pumasok sa loob at pinaandar ito. Laking pasalamat ko at hindi pa nakakalayo ang kotse. Sinundan ko lang ito.

Tumigil ito malapit sa school. Doon sa pwesto na kung saan nagbabantay siya minsan ng taxi, kung hindi ko siya nasasamahan. Bumaba si Chanda na bagsak pa rin ang balikat at minsan ay pinupunasan pa ang mukha ng kamay niya.

Agad akong bumaba ng kotse at tumungo sa kanya. Agad ko siyang niyakap. Napatingin pa siya sa akin. Nang makilala niya ako, agad rin siyang napayakap sa akin at umiyak lang siya nang umiyak.

Inalo ko lang siya nang inalo, hanggang naubusan na siya yata ng luha. Tumigil na siya ng iyak. Naramdaman kung napaalis ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Chanda?"

Hindi siya umimik.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon