Panget 17

7.4K 206 100
                                    

Kung kayo naiinip kung sino ba talaga si Chanda, ako rin naiinip na. Dahil nasa iisang bangka lang tayo, ibibigay ko na ang sagot sa isa sa mga tanong ninyo.

Tapos, VOTES and COMMENTS na lang. Pwede rin kayo magmura. Nabuhay ako sa mura eh. Murang diaper, murang gatas, murang damit, murang pagkain. Kaya, kaya ko yan. XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~O~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chanda's POV

"Hays!"

Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko. Mula kasi sa pagyayakapan namin ni Jude Panget. Hanggang sa maganda kong pag-iyak. Naging weird ako. Weird in a good way. Medyo gumaan-gaan ng feeling ko. Parang nakawala ako ng kaunti sa isang hawla na ilang araw na akong nakakulong.

Kinimkim ko kasi ang lahat...lahat ng pagdududa ko sa sarili kong pagkatao...at sa frustation ko na hindi ko kayang alamin kung sino talaga ako. Laking pasalamat ko kay Jude Panget at sa isang magandang iyak lang pala ang makakapagpapahupa ng konti dito.

Pero alam kong hindi natatapos yun dito. Kasi from now on, I want to know myself more. I want to discover the real me and it starts with knowing my true father, his identity and all about him.

Kahit na ayaw ng puso kong harapin siya, pero ang isip ko nanaig na kailangan ko na siyang makita at magkaalaman na kung nagmana ba talaga ako sa kanya. Kung gwapo ba siya o hindi.

Dahil kung hindi...itatakwil ko na siya ng tuluyan. Hindi nababagay sa lahi ko ang panget.

"Okay ka lang o okay ka na?"

Tanong sa akin ni Jude Panget. I just nod at him.

"Good. Baka bumaha ng sipon na naman ang damit ko."

"Tse. Bakit mo kasi ako yinakap? Kung hindi mo ako yinakap hindi naman ako iiyak. Huwag ka nang sumabat. Sige..una ka na. May practice kami ngayon."

"Ewan ko sayo. May pinagdadaanan....magpapractice?....Saka..pwede naman kitang hintayin. Kaya ko pa naman."

"Hindi na. Masyado na kitang naabala. Baka mas papanget ka na naman."

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Nagblink pa ako tatlong beses.

"GRABE. Kahit na may pinagdadaanan ka, yan pa rin ang bukambibig mo....na panget ako. In denial ka lang kasi."

"In denial? Eh. Totoo naman ah...Sige na..alis na! Alam ko na yang diskarte mo. Gusto mo pa talagang makasama ako nang matagal. Sus, halata."

Ngumiti ako pero hindi gaanong tunay. Dahil kahit nabawasan man ang pasanin ko, hindi pa rin maaalis na hindi pa nasosolusyunan ang mga problema ko.

"Bahala ka nga diyan. Masyado kang assuming."

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon