Panget 20

5K 114 22
                                    

Chanda's POV

"Nay, may kailangan ba akong malaman tungkol sa pagkatao ko?"

"Nak.."

Kitang-kita ko ang pagputla niya. Pati na rin ang pag-alala sa mukha niya. Pero kahit ganun, nagagalit pa rin ako.

Sino ba ang hindi magagalit kung ang taong pinagkakatiwalaan ko ay buong buhay na pinaglalaruan ang pagkatao ko. Sa tingin mo ba, sasaya ako. 

"Huwag ka nang magpaligoy-ligoy nay, hanggat kaya ko pang kontrolin ang galit na namumuo ngayon sa puso ko. Please lang nay, sabihin niyo sa akin...SABIHIN NIYO SA AKIN ANG LAHAT!"

Desperado kong sabi sa kanya. Maya-maya ay napaiyak na ako habang kinakagat ang labi ko sa galit. Bakit kasi ganito.

"Ano ang pinagsasabi mo, nak? H-hindi...Hindi ko maintindihan."

"N-nay, huwag ka nang magsinungaling. Diba sinabi mo sa akin na pagkatiwalaan kita dahil kahit kailan...kahit kailan,  hindi mo kayang magtago ng anumang bagay sa akin...na hindi ka magsisinungaling sa akin! Saan na yung pangako niyo...Nasan na yung pinagsasabi niyo sa akin."

Hindi ko na naman napigilang sumigaw sa gitna ng iyak ko. Humagulgol na ako. I am really tired and stressed with the whole situation regarding my life. Takte, napapaenglish na ako nito. Sino ba talaga ako.

Grabe naman parusa to sa akin. Wala naman akong ginawang masama. Bakit kailangan maranasan to. Nasigawan na ngayon si nanay. Dalawang beses pa. For my whole life, hindi ko nasigawan si nanay nang ganito. Pero hindi ko na maatim na kayang niyang gawin to sa akin. Tama nga ang sabi nila, 'Ang pangako laging napapako'.

Hindi sana ako maniniwala na magsisinungaling siya. Pero sa nakikita ko at nararamdaman ko, parang tama ang lahat...tamang may mali sa lahat. Mula sa pagkatao ko hanggang sa pagkatao ng mga taong malapit sa akin.

Kahit na si Apollo...at pati na rin yata si Jude. May napapansin akong hindi maganda. Pero hindi ko pa alam kung tama ang mga nakikita ko. Hindi ko lang talaga pinapansin. Tama na to.

"Nak. Hindi ko kayang magsinungaling.."

"Ha?! Hahahaha! Hindi mo kayang magsinungaling?!..."

Sarkastikong tawa ko sa gitna ng pagtulo ng mga luha ko. Heto na naman ako sa pagpapalit ng mode ko.

"...Pati nga sinasabi mo sa akin na hindi mo kayang magsinungaling ay kasinungalingan! Nay, hindi ako bobo at huwag niyo akong gawing bobo."

Sigaw ko ulit.

Pinahid ko ng kanang kamay ang luhang dumadaloy sa mukha ko. Nararamdaman ko ang pagsakit ng batok ko. Umaakyat na yata ang lahat ng dugo mula rito patungo sa aking ulo.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon