Panget 9

10.3K 148 43
                                    

May emergency na nangyari. Kaya isa lang ang maaupdate ko. Vote and comment lang. Thanks.

_____________________________

Chanda's POV

Natapos na ang unang araw ko sa eskwelahan. Nakakapagod pero...maganda pa rin ako.

Lumabas ako ng school na parang diyosa. Pumunta sa sakayan ng jeep na parang diyosa. Pagkatapos sumakay ako ng Jeep at umuwi sa amin na parang diyosa. Mga ilang minuto ay pumara ako bumaba sa aming barangay na parang diyosa.

Hindi naman siguro halata na diyosa ako no..

Nang malapit naman ako sa amin. Hinanda ko na ang aking sarili para sa everyday welcome party ng mga kapitbahay at kabarangay ko.

Blag!

Togs!

Bloogs!

Klang!

Marami na namang binabato sa akin ang mga taga-rito. May kamatis. May itlog. Sibuyas. Ampalaya at lahat ng gulay sa kantang Bahay Kubo. May papel rin. May halaman at kasama ang pasong pinagtamnan nito.

Mabuti na lang nakakailag ako lagi. Kung hindi...NAKU! Magkakapasa......silang lahat.

Ako lagi ang trip ng mga sinungaling na 'to. Kung hindi lang ako naaawa sa kanila, nabugbog ko na sila ngayon.

"Panget! Panget! Panget! Panget! Panget! Panget! Panget! Panget!" sabay nilang cheer sa akin. May tuno pa yan. Pero hindi ako marunong maglagay ng mga nota. 

Medyo malayo-layo na ako sa kanila at kitang-kita ko na ang maliit naming bahay. Pero hanggang ngayon rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ng mga bata, matanda, panget at mga panget. Pati na ang malakas na tawanan nila ay hinahabol pa rin ako.

Pero nasanay na ako sa ganyang eksena. Mga konting pampalasa sa maganda kong buhay.

Mga 30 metro na lang at bahay na namin ay may nakita akong lalaking lumabas mula sa bahay namin. Napatigil ako.

Who's that pokemon?

Nakita ko si Nanay sa pintuan na nagwave pa sa lalaki. Yung lalaki naman ng waveback. Pagkatapos ay pumasok ito sa isang magarang kotse.

Manliligaw ba ito ni Nanay? Sosyal ang beauty ni Nanay ha. Nagmana sa akin. Machika nga si nanay.

Kaya nagmadali ako lumakad patungo sa maliit naming bahay na may nakatirang dalawang pinakadiyosa sa ibabaw ng lupa, himpapawid at karagatan. 

"NANAY KONG MAGANDA!" sigaw ko ng malapit na ako sa pintuan.

Narinig ko ang papalakas na mga yabag ni Nanay patungo sa pintuan.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon