Panget 13

8.9K 144 10
                                    

Dahil napapagod akong maglagay ng maraming space. Kaya ganito na kaikli ang space simula ngayon. Medyo kaunti lang ang update.

VOte and COmment lang. 

________________________________

Jude's POV

Teka! Sino iyon?

Matignan nga. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng isang lalaki na kumukuha ng larawan at ang focus ng camera niya ay si panget. Kanina pa yata siya diyan at mukhang nagtatago pa.

Anong trip nito?

"Kuya, anong kailangan niyo dito?" tanong ko bigla sa kanya.

Nagulat siya. Bigla siyang napaayos ng tayo at medyo tinago ang camerang hawak niya.

"A-ah, wala. Kinukunan ko lang ng larawang ang mga tao rito. Para to sa promotion ng school." Kinamot niya pa ang ulo niya.

"At bakit siya lang po ang kinukunan niyo? Siya ba ang mukha ng school at nakafocus kayo sa kanya. Parang ang sagwa naman nun." tanong ko ulit.

Masyado namang halata na hindi ganun ang ginagawa niya.

"H-he he he. Hindi naman. Marami na kasi akong nakunan kanina pa."

"Ah, ganun po ba. Patingin nga po ng kuha niyo."

Tinignan ko ang camera niya. Tinago niya ito sa bag niya.

"Ah wag na. Masyado naman sigurong halata yang ginagawa mo. Alam kong wala kang tiwala na ganun nga ang ginagawa ko. Kung ayaw mo o e di h'wag. Saka, bakit concern ka sa babaeng yan."

Nagulat ako sa tanong niya.

"C-concern? Bakit naman ako maging concern sa kanya. Ni hindi nga kami close niyan at napakapanget pa."

Hindi naman talaga ako concern. Curious lang no. Kay Baby ko lang ako may concern.

"Ganun naman pala eh. Eh bakit tanong ka nang tanong kung hindi ka concern sa kanya?" ngumisi pa siya habang sinasabi iyon.

"Bawal ba magtanong? Curios lang naman eh." Kibit-balikat kong sagot.

"O sige. Bahala ka na diyan. Marami  pa akong gagawin." tumalikod na siya at tumungo sa kung saan niya man gusto.

Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Panget at wala na siya doon.

"Tsk. Makakain na nga. Bakit pa kasi napunta pa ako dito. Baka hinahanap na ako ng Baby ko. Hindi pa sigurado iyon nakalunch. Hinhintay ako eh."

~~~~O~~~~

Tinalikuran na ng lalaki ang hindi niya kilalang estudyante. Habang naglalakad ay iniisip niya na magkakapera na rin siya ulit dahil nakita na niya ang dapat niyang makita.

Matagal nang panahon na hinhintay niya ang pagkakataong makita ang batang iyon. Siguradong matutuwa ang Boss niya.

Nagpatuloy lang siya sa paglakad. Lumabas na siya sa school at hindi kinalimutang bayaran ang guard na nakatoka kanina.

Hindi naman siya makakapasok kung wala siyang ibabayad. Masyadong strikto ang mga gwardiya rito. Pero nakukuha pa rin sila sa pera.

Agad siyang nag-abang ng taxi at pumunta sa Boss niya.

Pagkarating sa bahay ng boss niya ay agad binigay ang mga larawang nakuha niya. Nakita niyang napangiti ang Boss. Isang demonyong ngiti ang nakikita niya. Ngumiti rin ang napag-utusang lalaki. Ngiting sabik na sabik sa pera.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon