Panget 22

4K 107 36
                                    

Chanda's POV

Mabilis ang aking paghinga. Thrill and excitement are all over me. 

Pero sa kabila niyan, may kaba pa rin akong nararamdaman. Ano mang oras simula ngayon ay may mangyayari: makakatakas kami o mahuhuli kami. Sana mangyari ang una.

Oo, kami, kami ni nanay. Medyo maayos na kami. Kahit na niloko ako ni nanay, mas malaki pa rin ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Isa kasi sa mga pananaw ko sa buhay, kung mas malaki ang pagmamahal mo matatalo nito ang kahit anong galit at panloloko.

Tama na siguro itong iniisip ko. Hintayin ko na lang si nanay sa kanyang go signal.

Napaigtad ako ng maramdaman ko na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napapigil ako sa aking paghinga. Doon na iniluwa ng pintuan ang isang bulto ng tao na kilalang-kilala ko ito. Ito yung lalaking nagpakidnap sa akin. Bakit siya nandito? Ano na naman ang gagawin ngayon? Wala na ba siyang magawa kundi magpakita sa maganda kong mukha?

"Kumusta Chanda?"

Mahina niyang sabi sa akin. Nakita kong ngumisi siya at dahan-dahang sinirado ang pinto. Nanginig ng konti ang kalamnan ko. Bigla akong nangapos sa paghinga dahil sa pagpigil ko. Kaya huminga ulit ako.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Mahina ko ring sabi sa kanya. Ayaw kong magising ang mga taong-bahay.

"Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo ng nanay mo. I know her. I have known her since the beginning of her glorious days."

Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Bahala siya diyan.

"Kung may binabalak kang masama, huwag mo ng ituloy, kundi ako ang makakalaban mo."

"Wow. Fiesty. Fierce cat you are. Manang-mana sa nanay."

Hindi pa rin naaalis ang ngisi niya. Sarap punitin ang mukha. Nag-umpisa na siyang humakbang patungo sa akin.

"Huwag kang lumapit sa akin, kung ayaw mong masaktan."

Hinanda ko ang aking sarili kung sakaling may gagawin man siya.

 "Hahaha. Huwag kang maingay. Magigising ang mga natutulog. Ay mali, pinatulog pa la."

Nangunot ang noo ko.


 

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Diba sabi ko tutulungan ko kayo ng nanay mo. Ito na yun. Makakatakas na kayo at sasama kayo sa akin."

Ngumisi siya. Takteng ngisi yan.

"Huh?! Bakit naman kami sasama sa'yo, sino ka ba?"

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon