Panget 23

2.9K 75 13
                                    

Been away for almost two months. No laptop. Only phone. Now I have to continue the story and so finish it. I'll not be sorry for the long wait, for I did not promise anything, didn't I? Thanks for all those who read my works. I appreciate your time and appreciation. That's all.

~~~~~~~~~~~~~~~O~~~~~~~~~~~~~~~~

Chanda's POV

Paanong---bakit---? Hindi ko na masagot ang mga tanong na namumuo sa utak ko dahil hinatak na ako ni nanay.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kanang kamay. Hindi na niya yata alintana ang pagdurugo ng sugat ko dahil sa paraan ng paghatak niya sa akin. Pero dahil doon kaya mabilis kaming nakapasok habang pinapaulanan kami ng bala.

Tumingin muna ako kay Apllo. Kita ko ang pagpanic niya. Pero agad naman akong pinayuko ni nanay. Nakita kong pumasok na rin si mamang Rafael. Pinagitnaan nila ako ni nanay. Tapos binuksan niya ang bintana at pinapaputukan ang mga naghahabol sa amin habang pinapaandar ni Apollo ang makina.

Bang! Bang! Bang!

"Sapul!"

Ngumingisi pang sabi ni Mamang Rafael habang hinihipan ang dulo ng baril na hinawahakan niya. Magaling siya.

Kanina ko pa napapansin na laging nasa tamang direksiyon ang pagbaril niya. Kaya siguro kilala siya ni nanay. Magaling din siya. Magkasama na siguro sila noon sa grupo.

Napapikit naman ako. Dahil sa biglang pagsakit ng tagiliran ko. Marahas kong pinagdikit ang mga nasa ibabang pares ng ngipin patungo sa taas para mabaling doon ang sakit. Pero hindi pa rin umubra, masakit pa rin.

"Nak? Kaya mo pa?"

Nag-alalang tanong ni nanay. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Kita ko ang pangamba.

"O-oo nay."

Nahihirapan kong sagot sa kanya. Pero kailangan kong pawiin ang pangambang nararamdaman niya ngayon. Napansin kong napatingin si Apollo sa gawi namin.

"May sugat siya?"

Hindi napigilang tanong ni Apollo.

"Oo. Kaya bilisan mo pa ang pagpatakbo ng kotse mo. Kung ayaw mong ikaw bawian ng buhay rito."

Hindi na lang pinansin ni Apollo ang pagbabanta ni nanay. Parang alam naman niya yata na natataranta si nanay. Sino ba ang hindi matataranta kung nag-iisanga anak mo ay may sugat at nahihirapan na. Nakita ko rin sa mga mata ni Apollo, bago siya tumingin ulit sa daan, ang konting pag-alala.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon