Panget 4

15.4K 277 65
                                    

Kanino ko kaya ito ededicate? Sa mga magcocomment na lang siguro?

Sino pwede? Basta yung alam nilang maganda lang at gwapo sila hah. XD

------------------------------------ 

Chanda's POV

Hala! Ano ito?? May kuryenteng dumaloy mula sa braso ko patungo sa lahat ng parte ng katawan ko. Pati na ang maputi kong kili-kili ay nakuryente na rin. Nakikiliti ako.

Hala! Ano ulit ito? Bakit may tumutusok sa p*wet ko?

Tumayo ako at tinignan ang tumutusok sa p*wetan ko. Nakita ko na biglang napaayos ang upo ng isa sa mga ambulansya.

Ngumiti pa ito sa akin na parang inosente. Pero hindi niya ako maloloko.

"Boogsh!"

"Ayyy!!!" sigaw ng mga nakasaksi sa aking ginawa.

Sinuntok ko lang naman siya. Napatihaya ito at napaaray.

"Pagsalitaan mo lang ako....ng kahit ano! Huwag lang yung babastusin ako! Kung ayaw mong... magkapisikalan tayo rito. Ano ha?..Kahit maganda ako, nakikipagbasagan ako ng mukha, kung maaari lang."

"Basag naman talaga yang mukha mo kahit hindi ka makipagsuntukan." sabi ng bumastos sa akin na ambulansiya habang sapo ang kanyang mata na natamaan ng pang-knock out ko na suntok.

"Wahahah! Wahahaha!" tawa ng mga nakikisali sa eksena.

"Kahit anong sabihin mo HINDI...AKO...MANINIWALA. MAGANDA AKO, KAHIT BASAG PA ANG MUKHA KO!" E hindi naman talaga ako maniniwala.

Kahit basag ang mukha ko, maganda pa rin ako. Nangyari na kasing nakipagbasagan ako ng mukha. Pero sabi ni Nanay, pagkauwi ko, maganda pa rin ako.

"Owwsss!" koro ng mga nakikisali sa eksena.

Hinayaan ko lang sila sa mga side comments nila. Masyadong marami na akong iniintindi.

Ang kagandahan ko....at, ang pagiging diyosa ko. Ganda ko lang!

Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko at dahan-dahan iniwas ang tingin ko sa kanya with HUMANDA-KA-SA-AKIN-MAMAYA-LOOK at prenteng umupo na parang diyosa. Dyosang hindi iniisip kung ano ang nangyari bagu-bago lang dahil iisipin pa kung ano ang mangyayari mamaya.

Hindi ko talaga mapagsabay-sabay isipin ang mga bagay-bagay dahil halos ang buong atensiyon ko at isipan ko ay nakatuon na sa angkin kong kagandahan.

Pero ngayon kailangan kong gamitin ang iba pang parte ng utak ko. Kasi naman madadagdagan pa ng kabastusan at kaangasan ng mga ambulansiyang to ang iisipin ko. Pati na rin ang lalaking panget na nakanganga ngayon sa tabi ko.

Speaking of panget. Tumingin ako sa kanya.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon