Panget 2

20.4K 289 72
                                    

Napagod ako masyado kahapon. Galing akong Davao, nagworkshop. Ang haba-haba ng biyahe. Kaya ito lang muna.

Pakibasa na lang yung iba kong story kung may time kayo.

---------------------------------------------

Chanda's POV

Maaga akong pumasok sa eskwelahang papasukan ko. Mga 11:30 am eksakto sa pagtuntong ng mga paa ko sa gate ng school.. Maaga pa yan...para sa first period ko. 1:00-2:30 pm ang una kong klase.

Naisipan ko kasing dito na lang maglunch sa school. Para naman sa ikabubuti ng ibang estudyante. Inagahan ko na ang pagpunta rito. Of course, para hindi na sila mabigla na may dyosa pala na mag-aaral sa eskwelahan nila. Taray ko diba. ganyan talaga ang magaganda.

Habang papunta ako sa cafeteria, napapansin kong marami ang napapatingin sa akin. Naman! Head turner kaya ang kagandahan ko. Hindi ko na dapat ipinaliwanag kung bakit sila nagkakaganyan. Ika nga nila Seeing is Believing. Kitang-kita niyo ang kagandahan ko, e di maniwala kayo.

Hinayaan ko lang silang mamangha. Saka buo ang kumpiyansa kong pumasok sa loob ng cafeteria at pumunta sa counter.

Medyo marami-rami na rin ang pumipila. Saka timing talaga ang pagpasok ko sa cafeteria. Kasi andaming tao. Maikakalat ko ang aking kagandahan at alam kong maiinggit sila.

Pati dito sa loob, marami rin ang napapatingin sa akin. Grabe na talaga ang beauty ko. Hindi na maipagkakailang, nagsisinungaling lang ang mga inggitero kong mga kapitbahay at kabarangay.

Habang nasa pila ako inisip ko muna kung ano ang kakainin ko ngayong tanghali. Bahala na si Batman siguro.

Mga ilang minuto at segundo ang lumipas. Ako na ang susunod naoorder. Hindi ako sumingit hah. Hindi yan gawain ng mga magaganda. 

"Pabili nga niyan. Saka niyan." taas noo kong sabi sa nagbabantay habang tinuturo ang order ko. Ako na kasi ang umoorder diba. Paulit-ulit lang.

With poise pa ang pagkasabi ko niyan. Dapat maganda ang tayo. Sayang ang kagandahan kung ang tayo ay parang nakayukong kawayan. Poise of a Beauty 101 ni nanay yan. Ipinamana niya sa akin ang mga tips na ganyan.

Nakita kong tumaas ang kilay ni counter girl. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Pero mas mataas yung sa akin at saka mas maganda ang kurba ng pagkataas ng kilay ko. Yung sa kanya basta napataas niya lang. Walang kapoise-poise. Eww.

"Sorry ka girl. Panget ang kilay mo. Kaya wag mo yang itaas-taas sa akin at baka literal mong gawin yung...nagsusunog ng kilay. Bilis, sobrang naeexpose ang kagandahan ko sa iyo. Wala ka namang ibabayad eh." utos ko sa kanya.

Nakita kong literal na napalaglag ang panga ni counter girl. "Masyado kang halata na nagagandahan ka sa akin. Itikom mo yang bunganga mo at baka matuluan ng laway mo ang mga pagkain ninyo dito." inirapan ko siya.

"Tsk. Grabe, hanggang ngayon nanaginip ang babaeng to?" mahinang sabi ni counter girl. Pero narinig ko yun.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon