Panget 15

8.5K 190 29
                                    

Chanda's POV

Maaga kaming umalis ni nanay sa bahay. Papalipat na kami ngayon sa bago naming titirhan. Pero, ang kakaiba lang ngayon sa lahat ng bahay na lilipatan namin ay mukhang nasa loob ito ng isang secured village.

Secured na village? Yaman na namin ngayon ah. Ano kaya ang trabaho ni nanay? Baka nakapangasawa siya ng mayaman at hindi nasasabi sa akin. Hala?!

Napatingin ako kay nanay, pagkaisip ko nun. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas. Hindi siya tumitingin sa gawi ko. Kaya tumingin na rin ako sa labas upang alisin sa isip ko na may tinatago si nanay sa akin. Hinayaan ko lang muna iyon.

Habang papunta kami sa lilipatan naming bahay ay nakikita ko sa dinadaanan namin ang magaganda at magagarbong mga bahay.

Napawow na lang ako. Nakakalimutan ko na rin ang pangamba ko.

Bawat bahay ay may mga guards na nakabantay sa harapan. Papasok pa lang nga kami sa village ay may tatlong guards na nakatoka roon na nagbabantay.

Patuloy lang sa pagtakbo ang taxing sinasakyan namin, hanggang sa huminto ito sa isang napakalaking bahay.

Kitang-kita ko ang kabuuan sa labas pa lamang. Kulay cream ang nakapinta sa mga pader nito. Mataas ang mga gate. Malaki ang garahe. Malawak ang nasasakupan nito.

May CCTV pa nga akong nakita, marami at ang iba nakatago pero nakita ko pa rin. Iba na talaga kapag maganda, maraming nakikita.

Bumaba na kami.

"Nay dito ba tayo talaga titira?"

"Oo, dito na."

"Sa atin ba ito?" tanong ko ulit.

"Hindi baby. Masyado tayong mahirap para magkaroon nito. Ang nagmamay-ari nito ay isa sa mga kilala ng boss ko. Yung lalaking nakita mo noong isang araw. Yun."

"Ang bait naman po niya. Nanliligaw ba yun sayo nay?"

Ngumiti siya. Pero alanganing ngiti.

"Hmmm. Maganda ako anak, kaya hindi na dapat tinatanong yan. Diba?"

"Yieee. Oo nga nay no. Ipakilala mo naman yun sa akin nay."

"Ahh. E-eh. Hindi pa sa ngayon baby. Busy kasi siya eh. Marami siyang trabaho. Kaya wala siyang time na makipagkita sa iyo."

Gumagalaw pa ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon at palatandaan yun na hindi siya komportable o nag-aalala. Bakit kaya? Marami na yatang tinatago si nanay sa akin. Pero sana wala. Sana lang.

"Ganun po ba. Okay lang naman nay. Hindi naman importante na makilala ko siya. Ang importante ay safe ka sa kanya. Yung lang naman po ang iniisip ko ngayon at hinihiling ko."

Tipid akong ngumiti kay nanay. Saka nagsimula kaming pumunta sa guard house na nasa labas ng bahay. May tatlong guards din ang nakabantay sa bahay.

"Magandang umaga po." 

Bati ni nanay sa guards at ngumiti pa si nanay rito.

"Ano po ang kailangan nila?"

Tanong ng guards. Matangkad ito at may malaking mga muscle. Sa aura pa lang niya ay kitang-kita ko na kaya niyang protektahan kung sino man ang nagmamay-ari ng bahay na ito at kaya niyang durugin ang sampung tao.

"I'm----Ako pala si Serene Paquita. Ako yung hinihintay ni Racq--- ni Ma'am Racquel Mercedez. Nandiyan ba si Ma'am mo?"

"Ahh..Kayo pala yan Ma--"

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon