Panget 8

10.9K 171 48
                                    

 Chanda's POV

Hinga Chanda. Hinga. 

"Whoosah!" sambit ko sabay buga ng hangin

"Whoosah." sambit ko ulit sabay buga ng hangin.

"Ano na namang kawirduhan yang ginagawa mo?" nagtatakang sabi ni Jude panget sa ginagawa ko.

E paki mo. Huminahon muna ako.

"W-wala." ba't nauutal ako.

"Eh, bakit ganyan ka ngayon? Namumula."

"Wala to...M-masyadong mainit ang araw ngayon, tingnan mo nga." sabay turo sa araw. Tinignan niya naman. E di nasilaw. Hantanga ng panget na to.

Tinignan niya ako ng masama.

Binalewala ko lang yun at nagpatuloy sa pagsalita. "Saka mamaya mo na lang pansinin yang pamumula ko. Ano na iyong kondisyon mo? Sige na! Para maging friends na tayo."

Mabuti na lang at mabilis kong napakalma ang sarili ko. Kung hindi uutal-utal na naman ako.

Bakit kasi nararamdaman ko to ngayon. Wala pa naman isang araw simula ng pumasok ako sa school na to ah. Ambilis naman ni author sa pagpapatakbo ng storya. Hindi pa nga handa ang diyosa ng kwentong ito. Kj naman ni author.

Mula sa pagtatanong ko biglang ngumiti na naman si Jude panget. Ano naman iyan?

"Anong ngiti-ngiti mo diyan? Nagpapacute ka? ASAAA! MANGARAP KA!"

Pero ano ba ang nasa ngiting iyan? Ba't ganito ang nararamdaman. Kahit alam ko na, magdedeny pa rin ako. Para tumakbo pa ang kwento ko. Marami pang plano si author sa akin.

"Hindi ka magiging slave."

"Alam ko." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Masyadong bagay sayo."

"Weeh, sure ka diyan? Ako na ang pinakamagandang slave sa lahat kung ganyan." 

Hindi niya ako pinansin. Firs time! Palakpakan siya, dahil ilang segundo niyang nakontrol ang sarili niya sa pagpansin ng ganda ko.

"Kung ipapahiya mo na man ang sarili mo, parang ang dali naman. Sa mukha mo pa lang kakahiya na." pagpapatuloy niya.

"Daming explanation ha. Sana gumawa ka na lang ng visual aids at binasa ko na lang." reklamo ko.

"Tumahimik ka nga!" bulyaw niya sa akin.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon