Panget 6

13.7K 223 36
                                    

Walang may nagrequest ng kahit ano. Kaya continue na lang tayo sa normal na flow ng kwento ni Chanda Paquita.

Para may konting thrill ang kwento. Heto na.

Comment and Vote kaagad. Thanks!

--------------------------------------------------------------------

Chanda's POV

Natapos na ang klase. Ang mahalaga ay maganda pa rin ako at buo pa rin ang maladiyosa kong katawan.

Wala na kasing ibang magawa ang mga kaklase ko kung hindi titigan ako ng titigan. Sana sabihin nila kung nagagandahan sila sa akin, magpapakahumble pa naman ako at sasabihin sa kanila...SLIGHT LANG. Slight na lang para maging PERFECT. 

Pero hindi ganun ang nasesense ko. Kung makatingin naman kasi ang mga kaklase ko ay parang gusto nila akong sunugin at kaya chop-chopin. Ganun na ba talaga ako kaganda upang mas naisin nila na mawala ako sa landas nila. Pathetic!

Ewan ko kung bakit naiisip ko to. Nagiging harsh na talaga ako mag-isip kahit na maganda ako. Anong konek?

Ting! Bigla ko naisip na may misyon pa pala ako ngayon. Ang sundan ang mga ambulansiya. at tatawagin ko itong OPERATION CHANDA MAGANDA.

Para masundan ko sila ay nagpaalam ako kay author na may one and a half hour break pa ako bago ang sunod na klase. Sinunod niya naman. Love niya na raw kasi ako. Bleeh! Inggit kayo. Gwapo kaya ni author. Conceited kasi siya.

Pero bigla na lang nanlamig ang pakikitungo ni author nung matype niya daw ang epilogue. Aywan ko kung anong end ng buhay ko rito. Bahala siya diyan. Trabaho niya yan.

Sa susunod na lang natin pag-usapan ang mga bagay na yan. Masyado akong maganda para isipin pa ang nararamdaman ni author.

Kaya balik tayo sa storya. Sa maganda kong storya.

Pinauna ko silang lumabas. Patay malisya akong naghalungkat sa bag ko. May hinahanap daw ako kunwari.

Nag-acting-actingan pa akong kumukunot ang noo. Para effective na hindi ko daw makita ang hinahanap ko. Kahit hindi naman bagay sa akin ang pagkunot noo. Pinilit ko lang sarili ko. Nag-effort talaga akong pumanget. Sigh. First time in my life na naging panget ako ng ilang segundo. But worth naman, may maililigtas akong panget.

Patuloy lang ako sa pag-arte ko. Alam ko kasing nakatingin sila sa akin.

Bakit ba kasi masyado akong maganda? Yan tuloy hindi maalis ang tingin nila sa akin. Hmm. Alam na. May HD sila sa akin.......Pero hindi ko talaga sila type.

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon