Panget 21

4.6K 104 27
                                    


Chanda's POV

Huminga ng malalim si nanay. Bago siya umupo malapit sa akin sa gilid ng kama. Pero may distansiya pa rin sa gitna namin. Tanda na nahihiya siya.

Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. Nakikita ko ang paghihirap niya, ang lungkot at ang pag-aalinlangang nadarama niya.

Kagat labi akong yumuko dahil ko kayang tignan na ganun ang nararandaman ng nanay ko. Kahit na galit ako sa kanya, naroon pa rin ang pagiging ina niya sa akin at pagiging anak ko sa kanya. Hinding hindi iyon mawawaksi ng anumang galit na nararamdaman ko.

Nararamdaman ko ang mas bumibigat na ang aking paghinga sa paghihintay sa rebelasyong dadapo sa harap ko.

Hindi ko na napigilang tumulo ang aking luha. Nanikip ang aking dibdib. Dala siguro ito ng katahimikang bumabalot sa loob ng silid na nagpadagdag sa dramang mangyayari sa buhay ko.

Napitlag ako sa pagkakaupo ng magsalita si nanay.

"Nak...Sorry."

Ang mga salitang unang-una sasabihin ng taong nakagawa ng mali o kasalanan kanino man. Ang sunod nito ay sasabihin kung ano ang kasalanang iyon. Nahihirapan ka man o hindi, maliit man o malaki, kailangang ipahayag iyon sa nagawan mo ng mali o kasalanan.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako kung malalaman mo kung sino ako at kung saan ka nanggaling. Sana mapatawad mo ako. Sana..."

Hindi ako umimik. Nag-umpisa na namang tumulo ang aking mga luha. Naramdaman ko na lang ang kamay ni nanay na pinapahiran ang mga sariwang luha na dumadaloy sa mukha ko.

Pagkatapos nun ay narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Bata pa lang ako noon. Hayyy"

Isang malalim na paghinga ang narinig ko.

"My parents means nothing to me dahil wala silang panahon sa akin. Wala akong naramdamang pagmamahal sa kanila. Yaya ko lang ang nagbabantay sa akin simula ng ipinanganak ako. Ipinanganak ako para lang masabi na kumpleto raw ang pamilya. Pero ang pamilyang akala nila ay kumpleto ay hindi totoong pamilya. Kulang...kulang na kulang ito sa pagmamahal. Pakitang tao lang ang lahat. Si mommy and daddy. They are sweet in front of their business partners pero hindi sa tahanan, kung tahanan ba matatawag ang tinitirhan namin. Minsan lang sa isang taon silang magpakita sa akin. Kaya ipinangak akong...parang wala lang. Ipinanganak lang."

Inalis ni nanay ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tinignan ko ang pag-angat ng mga kamay niya at nakita ko kung paano pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Nahabag ako. Nawala ang galit ko. Si nanay umiiyak sa harapan ko. Hindi ko na kaya to. Sana hindi ko na lang pinilit na matuklasan ang pagkatao ko kung kapalit naman nito ay ang sakit na mararamdaman ng nanay ko.

"Lumaki akong nakukuha ko ang gusto ko. Pero hindi sapat iyon. Hinanap ko ang pagkalinga sa mga magulang ko. Pero bigo pa rin ako. Umasa ako at...nasaktan. Kaya sinabi ko sa sarili ko, kung walang magmamahal sa akin, e di wala. Wala akong pake. Doon na nagsimula ang pagbabago ko. Pinalakas ko ang aking sarili hindi lang sa utak kundi pa ti na rin sa lakas ng katawan. Naging hambog ako. Naging manhid. Wala ng pake sa mundo. Masaktan na ang masaktan. Umiyak na ang umiyak at sa huli....mamatay na ang mamatay"

Tumigil si nanay sa pagsasalita at kitang kita ko ang pait sa kanyang mukha. Iniisip siguro ni nanay ang mga nakaraan niya, ang masamang nakaraan niya.

"Pumasok ako sa organisasyon. Organisasyon kung saan puno ng adventure, thrill, excitement at kademonyohan...pagpaslang sa mga taong makakabangga ng mga taong nagpapatakbo sa organisasyon."

Ilusyunadang PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon