Kahit may sakit ako ay pumasok pa rin ako. Malapit na kasi ang exams. Kailangan ko nang magsipag. Haha.
"hoooy!"
"Ano?"
"Bakit bad mood ka ata?"
"Wala lang pake mo ba?"
"Psh. Maiwan ka na nga jan. Pia tara na!"
Haiiiii. Nakakatamad pumasok. Makatigil kaya muna sa clinic? Inaantok pa ako eh.
*knock*knock*
"Pasok."
"Good Morning miss nurse. Pwede po bang magpa-check ng temperature? Masama po kasi talaga ang pakiramdam ko eh."
"Ok. Halika. Oh, wag mo munang tatanggalin. Intayin mo munang tumunog bago mo tanggalin."
"Okay po."
*ting*
Ay palaka! Ang bongga naman nito. XD
"Miss nurse 39.7°c po. Pwede po bang magpahinga muna dito?"
"May sinat ka. Oh sige. Humiga ka na lang jan tapos uminom ka mamaya ng gamot. Ano bang section mo ng makapagpadala ako ng excuse slip."
"IV- Poseidon po. Alianna Cruz."
"Ok."
Hmmm. Dun na lang ako sa dulong bed para safe. Haha.
Ang sarap sarap humiga dito. Ang lamih tapos anlambot ng unan ^________^
Aaron's POV
*achoooo*
Putek! Ang sama ng pakiramdam ko. Bakit kasi sumugod sugod ako sa ulan kahapon eh. Hay.
"Hoy Aaron dalian mo nga sa paglalakad. Malapit ng mag.bell. Ayaw naming malate."
"Taray. Good morning din ha?"
"Whatever."
"Si Alianna?"
"Ewan namin dun. Alam mo naman yun kung saan saan pumupunta."
Asan kaya yung babaeng yun?
*achooo*
Hay nevermind.
Pumasok na ako sa room at umubob sa desk. May natitira pa namang 5 minutes bago mag bell.
*achoo*
"Punyemas!"
"Haha. Para kang ewan Aaron. Subukan mo kayang magpunta sa clinic. Manghahawa ka pa ng sakit mo eh."
"Kaibigan ka nga ni Alianna. Lakas mang-asar."
"I know right!"
"Pasabi na lang kay mam na nasa clinic ako."
*knock*knock*
"Miss nurse dito muna po ako. Masama po ang pakiramdan ko. Saka pahingi pong neozep."
"Oh. Oh siya matulog ka na lang jan Aaron. Aalis muna ako para ibigay ang mga excuse slip sa adviser niyo."
Namin?
"Wag kang maingay at may tulog."
"Ok po."
*achoo*
"Arghhh! Kainis naman."
Hindi ako yun ha. Pero parang kilala ko yung boses na yun. Maitext nga.
TO: Aliannang Panget
San ka?
*bzzzt*bzzzt*
Bilis magreply.
FROM: Aliannang Panget
Clinic. Matutulog ako wag kang istorbo.
Taray naman nun. Oh well, bahala siya. Tutulog na lang din ako.
End of Aaron's POV
--
Alianna's POV
Istorbo si Aaron. Hmmmmmm. Ansarap talaga matulog dito sa Clinic. XDXD
"Kanina ka pa dito?"
"Huh? May nagsasalita ba?"
"Hoy."
"Hala! May multo ata."
"Baliw ka talaga Aly. Kanina ka pa ba dito?" sabi nung boses sa katabi kong kama.
"Aaron?"
"Psh. Kanina pa ako naimik ngayon mo lang nakilala ang napaka-gwapong boses ko? Tsk."
"Heh. Ginagawa mo dito?"
"Nagpapahinga. Ikaw?"
"Ganun din."
"Aish. Kasalanan mo kung bakit ako may sakit ngayon."
"Bakit ako?"
"Kasi kung hindi ka nagwalk-out hindi kita hahanapin. Hindi ako mababasa ng ulan."
"Eh bakit kasi hindi nagkapote."
"Really Aly? Kapote? Uso pa ba yun?"
"Oo kaya. Gamit yun ng mga bata."
"Ah ewan ko sayo."
"Ewan ko din sayo."
"Istorbo."
"Ako pa talaga? Ikaw nga dyan eh."
"Heh! Wag mo ko kausapin."
"Parang bata." sarap pektusan.
"Panget."
"Asar talo."
"Matakaw."
"Bakla."
0______0 sinabi ko yun?
*swisssh* ( A/N: sound effect po yan ng kurtina na biglang binuksan. Haha. pagbigye na. )
"Anonh sinabi mo?"
"Wala ah."
"May sinabi ka ee." tapos unti-unti siyang lumapit.
"Wala ah."
"So nabibingi na ako ganun?"
"O-oo. Mag hinunuli ka nga."
"Hindi ee. Sa susunod na sabihan mo uli ako ng bakla, hahalikan na kita."
"Talaga?!" ay nahalatang excited. "Adik ka! Haha. Balik ka na nga dun."
Tapos humiga na ako. Ay mali hindi nga pala ako tumayo kanina, so magkausap kami ng nakahiga ako.
Ulitin ko kaya yung bakla? Ahihihih =""> em so malandi. XDXD
"Tsk. Panget neto."
"Tampo pa din? Haha. Pahinga ka na jan panget, libre na lang kita mamayang lunch."
"Talaga?"
"Opo. Kaya magpatulog ka muna ha?"
"Okay. Labyou best panget."
"Same."
Haaay. Kailan ka kaya mag I-ilove you na hindi bilang best friend?
VOTE. COMMENT. BECOME A FAN =))
![](https://img.wattpad.com/cover/7188865-288-k14965.jpg)
BINABASA MO ANG
Dahil sa isang HILING
Humor"What will you do to capture the heart of the person you love?"