Chapter G

12 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Mcdo.

"Aly naman, gusto ko pa nga ng fries eh! Order ka pa!"

"Bahala ka jan."

"Aly! Pleaseee?"

"Yuck! Wag ka ngang mag.pout. Para kang bading."

"Eh ang daya mo naman eh! Sabi mo ililibre mo ko."

"Oo nga. Pero abusado ka na. Nilibre na kita kanina ng ice cream. Tapos ngayon nilibre kita ng fillet, sundae, spag, float at large fries tapos nahingi ka ulit? Yung totoo, may ahas ba dyan sa tyan mo?"

"Ahas wala pero abs meron."

"Kpyn."

"Please Aly, last na to. Promise!"

Umorder na lang ako para matapos na. Pinauwi nga pala kami ng nurse para daw makapagpahinga ng ayos. Pero imbes na sa bahay, sa sm nagyaya si Aaron para magpalibre. Lalo tuloy ako nastre.stress.

Ipagpapasalamat ko sana ang araw na ito kung hindi lang talaga masamang masama ang pakiramdan ko

"Tara na."

"Thank God."

Didiresto na sana ako sa parking lot ng hilahin niya ko sa quantum.

"Ano ka ba naman Aaron. Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Mamaya na. Maglaro muna tayo."

"Ikaw na lang. Uupo muna ko dito."

"Okay. Babalikan na lang kita mamaya."

Ughh. Ang sakit ng ulo ko.

Pinapanuod ko na lang na maglaro si Aaron ng may lumapit sa kanyang babae.

"Aly!"

"Bakit?"

"Hindi mo ba siya natatandaan?" sabi ni Aaron habang tinuturo yung babae.

"Huh?" kilala ko ba tong babaeng to? Parang hindi naman eh. Wala akong kilala na babaeng kinulang sa tela ang damit.

"Si Stephanie."

"Stephanie??"

"Ouch naman Aly. Nakalimutan mo na ko? Ako yung bestfriend niyo dati. Yung nakasalamin kaya lang umalis din ako agad kasi napalipat si daddy sa States."

Stephanie.

"Stephanie Rodriguez?"

"Yup. Namiss kita!!!" tapos hinug niya ako.

"Hehe."

Umupo din yung dalawa sa tabi ko. Actually sila lang yung nag-uusap. Lalo tuloy akong naiinis. Nagseselos kasi ako.

"Aaron, uwi na tayo." sabi ko kay A nung umalis si Steph para magCR.

"Mamaya na Aly. Nakakahiya naman kay Steph eh."

"So sa akin hindi ka nahihiya?" inis kong sabi.

"Eh di umuwi ka na lang ng magisa."

"Hi guys! Sorry natagalan. Mahaba kasi yung pila eh. Meryenda tayo?"

Psh.

"Tara." nakangiting sagot ni Aaron.

"Ikaw Aly?"

"Uwi na ko. Bye." sabay walk out.

Kainis naman oh. Ang sama na nga ng pakiramdam ko tapos hindi pa ako ihaatid ni Aaron. Kaasar. Sarap gabutan ni Stephanie.

*bzzzt*

From: Pia

  Hoy babaeng pabaya! Wag mong kakalimutang bumili ng gamot para sa sakit mo. Kakain ka din ha? Text mo ko pag gusto mo ng kasama ha? Balita ko umalis si ate mo. Mwuaah =**

Ghad. Wala nga pala si Ate sa bahay. 1 week siyang mawawala kaya solo ako =_____=

Bumili muna ko ng gamot at mga kakainin ko. Syempre yung instant. Hindi naman ako maalam magluto eh. Prito lang ang keri ko.

--

*kringgg*kringggg*

Ugh.

"Hello?"

[ Aly! ]

"Bakit Ate?"

[ May sakit ka daw. Kaya mo ba? Gusto mo umuwi na ako? ]

"Hindi Ate. Kaya ko naman eh."

[ Sure ka? ]

"Yup."

[ Papuntahin ko na lang kaya jan si Aaron? Tama. Itext mo ha. ]

"K ate. Bye."

Siguro naman nakauwi na si Aaron.

Matawagan nga. Sinagot niya pagkatapos ng limang ring.

[ Bakit Aly? ]

"Nasan ka?"

[ Andito ko sa bahay nina Steph. Niyaya niya kasi ako. ]

"Ahh. Eh kelan ka makakuwi."

[ Hindi ko alam. Dito na ko pinatutulog ng mga kuya ni Steph eh. ]

"Ahh. Ganun ba? Sige. Bye."

Steph. Dapat ba kong matuwa dahil dumating ka o dapat na ba akong mangamba dahil baka agawin mo siya?

June 25, 2013

Oi! Haha. Nakalimutan ko nang magsulat dito. Anyhow wala namang masyadong nangyari sa akin. May sakit nga pala ako. At walang mag.aalaga sa akin. Kawawa naman ako. Oh siya, magtitingin muna ko ng shooting star. Baka swertihin ako at may dumaan.

Hmmm. Sana may dumaang shooting star.

*bzzzt*

From: Zia

   Aly! Kumain ka ha? Uminom ka din ng gamot. Kung nilalagnat ka pa wag ka nang pumasok bukas. Kami na bahala magsabi kay maam. Lablab <3

Buti pa sila Zia naalala na may sakit ako. Hay.

"May shooting star!!"

Mabilis akong humiling. Humiling na sana, sana hindi ka mawala sa tabi ko. Sana hindi mo ko makalimutan. Sana makita mo rin ako gaya nang kung pano kita nakikita.

Dahil sa isang HILINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon