Chapter I

13 1 0
                                    

"Aly, gumising ka na."

"Hmmm?"

"Gumising ka na. May pupuntahan pa tayo nina Pia."

"Tu-tubig." uhaw na uhaw na kasi talaga ako.

"Pia! Kuha ka ng tubig."

Pagkainom ko ay guminhawa ng konte ang pakiramdam ko.

"San tayo pupunta?"

"Sa Mall. Nakalimutan mo na ba?" mataray na sabi ni Pia

"Sorry. Nawala sa isip ko. Intayin niyo ko dito. Liligo lang ako."

Pagtayo ko pakiramdam ko umiikot ang mundo. Napakapit na lang sa may table.

"Aly! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Pia

Tapos naramdaman ko na hinawakan ako ni Zia sa noo at leeg.

"Shoot! Ang init mo. Tae! Upo ka nga muna dito. Pia, kunin mo nga yung thermometer."

Dali daling sumunod si Pia.

"Ahh. Wala akong makitaa." reklamo ko. Tae! Ayokong mahimatay.

"Tsk. Kumain ka ba kagabi?"

"Hindi."

"Bakit?" sabi niya sabay lagay ng thermometer sa may tenga ko ( sosyalan ha. yan yung kagaya ng sa korea. lol )

"Eh kasi hindi na ako makagalaw. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Dito na nga din ako nakatulog ee."

"Eh bakit hindi mo kami tinawagan?" asar na tanong ni Zia

"Kasi nga tumawag si A tapos nag yes siya na pupuntahan niya ako dito. Tapos after ilang minutes nagsabi na hindi na daw siya makakapunta kasi may emergency daw si Steph. Hindi ko na kayo natawagan kasi nga gabi na. Hindi na kayo papayagan nina Tita."

"Aish. Ang taas ng lagnat mo. 44.5°c kaya mo ba?" nagaalalang tanong ni Pia.

"Hindi ko alam."

"Dadalhin ka na namin sa hospital. Pia, bantayan mo muna yang babaeng yan. Kukuha lang ako ng mga damit niya."

Pagkaalis ni Zia ay nagpaalam si Pia na magluluto daw ng breakfast. Ajuju. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. HAHA

"Ito ba yung emergency na sinasabi ni Aaron?" biglang sabi ni Pia sabay abot ng cellphone niya.

Hay. Ice cream lang pala. Kala ko naman malalang emergency. Nakakapagtampo na si A. Mas inuna niya yun. Ang masaklap pa ay yung caption sa baba.

Having a great time with Steph. Aly, pagaling ka =))

Napaiyak na ako sa nabasa ko. Ambabaw ba ng dahilan? Pero nakakainis kasi. Halos mamatay na ako dito tapos siya nagpapakasaya lang.

Buong byahe papunta sa hospital ay hindi na ako umiimik. Hindi din naman nagtanong yung dalawa kaya ayos na.

Lumabas muna yung dalawa para bigyan kami ni dok ng privacy. XD

"Iha, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nung doctora pagkapasok niya ng kwarto ko.

"Opo Dok. Ayos na po ako."

"Iha, may sasabihin ako sayong importante. Kailangan mong alagaan ang sarili mo. Wag magpapagod. May Leukemia ka kasi." seryosong sabi ni Dok.

"I understand po Dok. Mahirap na po ang mabina- LEUKEMIA ? AKO ? SERYOSO KA? WEH?"

"Yup. Stage 4 na. Malapit ka nang mamatay. Pag naagapan baka maextend ka pa ng 2 months, pag hindi mga 2-3 weeks."

Syeeet.

May cancer ako? Huhubels.

Saka stage 4 agad ? AGAD AGAD ? Di man lang ako nainform nung nasa stage 1 pa lang para naman prepared ako.

Paano na lang kami ni Aaron? Magpapakasal pa kami at gagawa ng basketball team. Aalagaan ko pa ang mga apo ko.

"Dok, pwede po bang pakiulit nung pagbabalita niyo sa akin, tapos gawin niyo pong pasuspense pa para naman mafeel ko yung moment tapos maiiyak ako. Yung parang nasa movie."

"Alam ko mahirap kasi bata ka pa. Pero lumaban ka Ms. Luckie Mia, kaya mo yan." naiiyak na sabi ni Dok.

"Luckie Mia? Sino yun ?"

''Ikaw!"

"Eh? Kelan pa po nabago ang pangalan ko? Di ako nainform e."

"Seryoso ka?" takang tanong ni Dok.

"Opo. Ako po kaya ay si Aaliyah Cruz."

"Oh no! Im so sorry iha. Nagkamali pala ako ng room na pinasukan. Hindi ko kasi mabasa ng ayos yung room number na binigay sa akin sa papel."

"Aish. Si Dok naman. Paasa."

"So gusto mo magkaLeukemia?Hindi mo ba alam na madaming tao ang nagangarap na mabuhay pa ng matagal at matiwasay tapos ikaw hihilingin mo na magka cancer! Hindi mo na ba mahal yang buhay mo para magsalita ka ng ganyan? Ha?HA?"

"Chill lang Dok. Inom ka muna ng tubig."

Tapos uminom nga siya.

"Ok na ba Dok? Joke lang yun eh."

"Tsk. Aalis na ko."

"Wait lang Dok! Pagsinabi niyo po sa kanya yung sakit niya pwedeng wag niyong biglain. Yung smooth lang ang tira dapat para di masyadong shocking." advise ko sa kanya.

"Sino bang doctor sa ating dalawa?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Sabi ko nga po ikaw eh. Hehe! Ge Dok!"

Wooo. Taray naman nun. Di na mabiro. Hihihi.

Pero buti na lang talaga at hindi ako yun. Yey ! May chance pa kami ni Aaron ! Parteh Parteh !

*What does the fox says? ming ming ming ming ming ming ming ming....*

Sarap sayawin nun eh. Epal lang yung swero ko. Ajujubells.

*knock*knock*

Dahil sa isang HILINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon