Ugh ! Nakakainis yung alarm clock ko. Hindi man lang tumunog. Late tuloy ako. Huhuhu.
Lakad takbo ang ginawa ko pagpasok ko ng gate. Malapit na ako sa building namin ng makita ko si Aaron.
"Aaron!" masayang tawag ko sa kanya.
Hehe. Late din siguro tong si Aaron.
"Hoy!" tawag ko ulit sa kanya pero hindu niya ako pinapansin.
"Hoy A!" tawag ko ulit pero waepek.
Tae naman oh!
"A!" sigaw ko sa tapat ng tenga nya. Yan! Lumingon ka din.
"ANO BA ALY! IWAN MO NGA MUNA AKO!" sigaw niya sa akin na ikinabigla ko. Buti na lang at walang mga tao sa corridor dahil nga oras pa ng klase.
"Sorry." mahinang sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad.
At dahil wala ako sa huwisyo ay nalampasan ko na pala ang room namin. At dahil nakakatamad bumalik umupo na lang ako sa may garden. Tutal malapit nang mag lunch break. Mga 2 hours pa ~
Ano kayang problema ni A? Imposible naman na may dalaw yun kasi lalaki naman siya. Hmmm, bakit kaya? Ang scary niya kanina promise! Kala ko nga magiging si Incredible Hulk siya e. Huehue.
Say something I'm giving up on you
And I'll be the one if you want me to
Anywhere I would've followed you
Say something, I'm giving up on you~
Soundtrip muna habang nagpapatay ng oras. Gondo talaga na kantang ito, pati na ang boses ko. Hehe.
"Aly."
Napataas ang kilay ko ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Ginagawa nito dito? May klase kaya kami. Saka ang haggard ng itsura niya.
"Bakit? Hihiram ka ba ng PSK?" pangaasar ko sa kanya. Haha.
"PSK?" litong tanong niya.
"Hindi mo alam yun? Tsk. PSK is Polbo Salmin at SuKlay. PSK. Alam mo na? Magaling! Mahusay!" para akong tanga -.-"
"Seryoso ako Aly. Magusap tayo."
"Tsk. Kpyn. Anong problema?" mataray kong sabi sa kanya.
"Please Aly tigilan mo na kami ni Aaron. Nakakapagod na."
''Suko ka na agad? Ang weak mo naman."
"Aly naman e. Alam kong mabait ka kaya please tigilan mo na kami. Sabihin mo na din kay Aaron ang totoo. Sabihin mo na wala talaga akong kasalanan sayo kasi ikaw naman ang may pakana ng lahat. Sabihin mo din na wala kaming relasyon ni Bruce."
ok. Loading...
"Bruce?" Sinong Bruce? Si Bruce Lee ba yun? Huehue.
"Please Aly, alam kong ikaw ang may gawa nun. Sabihin mo kay Aaron ang totoo."
"Why would I tell him na its all my fault? Im not insane you know."
Oh ha, english yun!
"Please Aly gagawin ko lahat linisin mo lang ang pangalan ko kay Aaron."
"Sure ka? Lahat?"
"Oo lahat."
"Hiwalayan mo siya." seryoso kong sabi.
"No! Hindi ko gagawin yun. Iba na lang."
"Tsk! Tsk! Pinaglololoko mo ba ako? Sabi mo lahat."
"Please?"
BINABASA MO ANG
Dahil sa isang HILING
Humor"What will you do to capture the heart of the person you love?"