Chapter O

10 1 0
                                    

Why is it so hard to give up on someone who hurts you the most?

--

Chapter O

Pagpasok ko sa school ay parang iba ang pakiramdam ko. Parang may something weird na mangyayari pero hindi ko ma-pinpoint kung ano.

Kanina ko pang tinetext sina Pia at Zia, wala pa kasi sila sa tambayan namin. Dito kami usually na nagkikita bago magpuntang room.

Kringggggg

Aish. Nagmadali akong tumakbo papunta sa room kasi bell na. Pagpasok ko ay nakita ko agad yung dalawang inaantay ko. Badtrip !

"Andito na pala kayo hindi man lang kayo nagtetext."

Tiningnan lang nila ako tapos nagpatuloy sa mga ginagawa nila.

"Silent treatment huh?!" psh.

Umupo na lang ako ng ayos at nakinig kay Mam.

1 hour...

2 hours...

3 hours...

Syet ! Mababaliw na ako! Hindi ko kayang wala kausap.

Kinukulit ko ng kinukulit si Pia kasi siya ang mas malapit sa akin pero hindi niya ko pinapansin. Syet lang huh! Huhu. Mapapanis na yung laway ko dito. Ghad! Sayang toothpaste kung hindi ako iimik.

Kringgggg

Yes! Lunch na! Nagmadali akong nagligpit ng gamit at tumakbo papunt kina Pia na naglalakad na ngayon pa.canteen

"Guys, kausapin niyo naman ako oh?" pero patuloy pa din sila sa paglalakad.

"Uwaa! Bakit kayo ganyan? May kasalanan ba ako huh? Sa pagkakatanda ko naman ayos tayo kahapon. Hoy! Pia! Zia!" pangungulit ko pa din. Naiiyak na ko. Promise! Seryoso ako! Walang halong biro. Honesto!

Hindi na ko umimik habang sinusundan ko sila. Nung malapit na sa canteen ay bigla silang lumiko at umakyat sa rooftop.

"Humayghad! Ganyan na  ba kayo kagalit sa akin para patayin ako?"

"Seriously Aly?" mataray na sabi ni Pia.

"Gusto mo ba malaman kung bakit kami ganito ha?" -Zia

"Oo."

"Tigilan mo na yung ginagawa mo kay Stephanie." sabi ni Pia habang papalapit sa akin.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah, siya nga ang nananakit sa akin e." pagsisinungaling ko.

"Tsk. Alam na namin ang plano mo Aly. Bakit ka nagkaganyan? Gagawin mo talaga lahat para lang mapaghiwalay sila ha? Napaka selfish mo naman."

"Pero pinaglalaban ko lang naman yung pagibig ko ah. Kelan pa naging masama yun ha? Di ba sabi nga nila, pag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya. Ipaglalaban mo siya. Saka di ba mga kaibigan ko kayo. Dapat naiintindihan niyo ko!"

"Oo kaibigan mo kami Aly pero hindi ibig sabihin nun ay kukunsintihin ka namin sa mga ginagawa mo. Masama yan Aly. Saka hindi lahat ng pag-ibig ipinaglalaban. May hangganan ang lahat." sabi ni Pia

"At sa tingin mo ba Aly pagnapaghiwalay mo sila mapapapunta sayo si Aaron? Na gugustuhin ka niya? Hindi Aly. Kaya tigilan mo na to. Please lang. Madami ang masasaktan Aly. At sa huli ikaw din ang maiiwan. Pag nag backfire sayo ang plano mo, ikaw ang MAS masasaktan."

"Pero handa naman akong masaktan e."

"Aly makinig ka sa amin. Sa tingin mo ba pag nalaman ni Aaron na ikaw ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Steph ay matutuwa siya sayo? Hindi Aly. Kasusuklaman ka niya. Mawawala siya sayo ng tuluyan!"

"Hindi naman niya malalaman e."

"Walang sekretong hindi nabubunyag."

Umalis na sila pagkasabi nun. iniwan nila akong magisa.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Alam ko naman na mali ako e. Pero hindi ko magawang igive up si Aaron e. Mahal ko siya. Mahal na mahal na mahal. Hindi ko kayang makita siya na masaya sa piling ng iba. Gusto ko akin lang siya. Ako lang ang nagpapasaya sa kanya. Ako lang ang mahal niya. Ayaw ko ng may kahati sa kanya pati sa oras niya. Gusto ko ako lang. Selfish kasi ako.

Narinig kong bumukas ang pinto ng rooftop pero hindi na ako nagabalang tingnan kung sino yun. Nagpatuloy lang ako sa pagiyak.

"Napakinggan ko yung pinagusapan niyo ng mga kaibigan mo."

"Marco."

Ngumiti siya sa akin tapos tinabihan niya ako. Inbutan niya ko ng panyo.

"Bakit ka narito? Sesermonan mo din ba ako? Huhusgahan mo ba agad ako?"

"Hindi kita hinuhusgahan Aly. Nagmahal ka kasi. Yun nga lang napasobra. At sa sobrang pagmamahal mo sa taong yun, nakakagawa ka na ng mga bagay na mali at nakakasakit sa iba. Alam mo ba ang isang napakalaking pagkakamali na ginawa mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Binigay mo kasi lahat Aly. Hinayaan mo na umikot ang mundo mo kay Aaron. Nasanay ka kasi na siya lagi ang nandyan sa tabi mo kaya nung nagkaroon ka ng kahati sa kanya umiral ang pagkaselfish mo. Haha. Kahit naman ako ganyan e. Lahat ng tao ganyan. Yung inyo kasi ni Aaron parang yung paginom mo ng kape tuwing umaga. Na pagkakagising mo, nasanay ka na na yun ang lagi mong iniinom kasi nga nakakapagbigay sayo ng init at ginhawa. Na kahit nagkasakit ka na at pinayuhan ka na itigil ang pagkakape, hindi mo magagawa kasi nasanay ka na. Kaya kahit na mahirapan ka, hindi ka titigil."

Napatingin na lang ako sa kanya. May point kasi siya e.

"Pero tandaan mo Aly, pagnagmamahal ka kailangan mong magtira para sa sarili mo. Wag mong ibigay ng buong buo ang pagibig mo. Dahil kung hindi ka magtitira ng pagmamahal sa sarili mo, sino pa ang magmamahal sayo? Oh sayo muna yang panyo ko ha? Labhan mo bago mo ibalik. Ayusin mo! Baka may uhog mo pa yan. Kadiri. Haha. Tanda mo na uhugin ka pa."

Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at ginulo ang buhok ko.

Hay Marco. May point ka. Pero hindi pa din ako titigil. Sinimulan ko na e, tatapusin ko na siya. At kung masaktan man o mawala lahat sa akin sa huli, ayos lang. Pinili ko to e.

Dahil sa isang HILINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon