"Aly."
Hmmmm. Ayan na! Konti na lang. Mas lalo kong pinikit ang mata ko dahil hahalikan daw ako ng aking Prince Charming.
"Aly."
Hihilahin ko na sana siya palapit dahil ang tagal niya pero hinila siya ng isang babae. Hinila siya nung witch.
"Aly!"
"Ay palaka!"
"Tsk. Tagal gumising."
"OH MY GOD!" sabi ko sabay takbo palayo kay Aaron.
"A-anong ginawa mo sa akin? OMG! Pinagsamantalahan mo ang akinh kahinaan. Uwaaaa!"
*togsh*
"Ouch. Why did you.. why did you ano hagis hagis the pillow to me?"
"Para ka kasing shunga Aly. Nakitulog ako dito at walang nangyari sa atin. Ew Aly! Parang incest!"
"Psh. Oo na oo na."
"Kain na daw tayo sabi ni Ate Alianna."
"Kdot. Labas ka muna. Magbibihis lang ako."
"Bakit pa ko lalabas? Wala naman akong makikita. Hahaha."
"Yah! Gusto mo bang mamatay ha?!" inis kong sabi sabay bato ng stuff toy sa kanya.
"Joke. Haha. Hintayin kita sa labas."
Ginawa ko muna ang aking morning rituals bago lumabas.
"Good Morning Ate A!" nakangiting bati ni Aaron.
"Morning. Kain na kayo."
WOW!
"Ate, mamamatay ka na ba? Bakit andaming pagkain?"
Actually hindi naman siya madami. Pero kung icocompare siya sa mga breakfast namin nuon, madami to. Meron kasing ham, bacon, hotdog,egg, fried rice, bread, pancake, juice at coffee.
"Asar ka! Aalis na ko mamaya paKorea." inis na sabi niya.
"Ok! Ingat ka ha? Nangangain ng shushunga shunga dun."
"Heh! Kumain ka na lang dyan tapos hugasan mo ang pinagkainan."
"Ikaw na lang. Kagagaling ko lang sa sakit eh. Baka mabinat ako."
"Wala. Ikaw maghugas. May gagawin pa ako."
*Ding*Dong*
"May gagawin pala ha."
Dali daling tumakbo si Ate papunta sa may gate.
"Yosh! Nabusog ako."
"Talaga?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Yup."
"Ok. Ikaw maghuhugas ng pinggan."
"Bakit ako?"
"Dahil panget ka. Byee!" tapos nagtatakbo na ako papunta sa sala. Hihihi.
Narinig ko pa ang pagrereklamo niya pero hindi naman siya bisita eh.
Speaking of bisita, aking natatanaw sa dako paroon ang aking kapatid habang kausap ang isang napakagwapong ginoo.
"Hoy! Sinisilip mo dyan?"
"Si Ate. Teka, bakit ambilis mong maghugas?"
"Ganyan talaga. Saka tatlo lang naman yun eh."
"Pero bakit ako inaabot ng 30 minutes? Anyways, tara dun sa kanila."
"Bakit?"
"Titingnan ko yung lalaki."
Hinila ko si A papunta dun sa dalawa. Halata kong nagulat si Ate pero binawi naman agad niya. Ngumiti sa akin yung mamang pogi.
![](https://img.wattpad.com/cover/7188865-288-k14965.jpg)
BINABASA MO ANG
Dahil sa isang HILING
Humor"What will you do to capture the heart of the person you love?"