"Hoy Aliana ! Nandyan ka na naman sa labas. Gabing gabi na nakatunganga ka pa rin. Pumasok ka na nga."
"Mamaya ng konte ate. May inaabangan lang ako."
"Ano ? Shooting star na naman ? Nababaliw ka na ba ? Walang dadaan jan."
"Psh. KJ"
"May sinasabi ka ha ?"
"Wala."
Nagdadabog akong tumayo at pinagpagan ang damit ko. Si ate Aliah talaga ang KJ.
Hi! Ako nga pala si Aliana Cruz. Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagaabang ng bulalakaw, simple lang ang sagot. Gusto ko kasi na mag wish. Siguro masasabi niyo na nababaliw na ako dahil naniniwala ako sa mga ganun pero sabi nga nila 'there is no harm in trying' kaya yun. XD At kung ano naman ang wish ko? Yun ay yung mapansin din ako ng bestfriend ko.
"ALIANA! ANO BA ! GABING GABI NA! PASOK NA SABI EH!"
Yun nga pala ay yung ate ko. Si ate Aliyah. 22 na yan at NBSB kaya ganyan. Manang ee. HOHO. Kami lang dalawa ang nandito sa bahay. Sina mommy kasi ay nasa abroad for work. Bongga no? XD
Pumasok na ako ng kwarto at kinuha ang journal ko.
June 19, 2013
Day 9 ng pagaabang sa shooting star - FAIL ( EPAL kasi si ate ee )
Pagkatapos magsulat ay ginawa ko na ang mga dapat gawin bago matulog.
Then I'm off to dreamland ~
BINABASA MO ANG
Dahil sa isang HILING
Humor"What will you do to capture the heart of the person you love?"