Chapter S

17 1 0
                                    

Everything happens for a reason. If its not a blessing, its a lesson.

---

Aly's POV

Pag.alis ko sa bahay ay pumunta ako sa Quiapo. Kelangan kong maliwanagan ang aking isipan.

Pagdating dun ay kokonte ang tao. Nagdasal muna ako tapos naisipan kong maglakad papunta sa altar ng nakaluhod.

Lord, please forgive me for i have sinned. Alam ko pong mali yung mga ginagawa ko pero ipinagpatuloy ko pa rin. I know po na hindi ko deserve ang kapatawaran niyo sa lahat ng nagawa ko.

Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Nung una okay lang na masaktan ako pero hindi po pala okay. Masakit po.

Ngayon po nalinawan na ako. Masyado kasi akong nabulag ng pagmamahal ko kay Aaron. Sana, sana mapatawad niyo po ako pati nung mga taong nasaktan ko. Amen.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng simbahan.

"Manang, pabili nga po nyan."

"30 lang ito ineng. Wish candle ang tawag dito. Ihiling mo lang yung kahilingan mo, at kung deserving ka talaga at naniniwala magkakatotoo yun."

Sinindihan ko yung kandila at taimtim na nagdasal. Sana pagkatapos nito maging ok na ang lahat.

--

Andito ako ngayon sa may cake shop. Kailangan ko ng sweets. Nadedepress ako.

Mayat maya nang nag vibrate ang phone ko kaya pinatay ko muna. Habang kumakain ay may nakita akong isang batang babae na nakatingin sa akin sa may labas ng store.

Nakakaawa siya. Kaya lumabas ako at niyaya siya sa loob. Nung una ay tumanggi siya pero napilit ko din. Inorder ko siya ng pagkain.

"Ate, maraming maraming salamat po ha? Ilang araw na din po akong hindu kumakain." sabi niya pagkainom niya ng tubig.

"Asan ba ang mga magulang mo?"

"Wala na po sila. Pareho po silang kinuha ni Papa Jesus."

"Im so sorry. Pero may mga kamag.anak ka ba na nakakasama?"

"Wala po akong kamag.anak e. Ang kasama ko lang po sa lansangan e yung best friend ko na si Toto."

"Asan na yung bestfriend mo?" pagkasabi ko nun ay lumungkot ang mukha niya.

"Iniwan niya na po ako."

"Bakit ka niya iniwan?"

"Eh kasi po nag.away kami nung isang araw. Tapos nagalit po siya ng sobra sa akin. Yun hindi na ako binalikan."

"Ano bang pinag awayan niyo?" hindi ko alam ang reason pero ang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito.

"Nakahanap po kasi siya ng bagong kalaro. Eh para pong naiwan na ako. Kaya yun po nainis ako. Sinigawan at inaway ko yung babae. Tapos naabutan kami ni Toto na inaaway ko siya, nagalit siya sa akin tapos sabay silang umalis."

Dahil sa isang HILINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon