Maaga akong gumising. Friday na nga pala. Ambilis naman ng araw.
*bzzt*
From: Zia
Nasabi na namin kay mam. Pagaling ka ha =) Punta kami jan later.
Amboring dito sa bahay. Wala akong magawa.
Pumasok kaya si A?
To: Aaron
Pst. Pumasok ka?
Asar! Kanina pa ako nagtext pero tanghali na hindi pa rin nagrereply. Badtrip >________< Makapunta na nga lang sa Quiapo. Makapagsimba.
Shoot. Bakit ba ako nagparto? Ang daming tao TT_____TT
Magsisimula na ang mass. Buti na lang nakahanap ako ng mauupuan.
Nung sinabi ng pari na magdasal ng taimtim at sabihin ang mga kahilingan ay pumikit ako.
"Iha, ayos ka lang ba? Namumutla ka." sabi nung ale na katabi ko.
"Ayos lang po ako."
"Sigurado ka?"
"Opo." pero hindi talaga ako ayos. Nahihiya lang akong lumabas. Konte na lang naman at patapos na eh.
"Panginoon, hindi po ako karapatdapat na magpatuloy sa inyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako."
Lord sorry po. Hindi ko na po talaga keri.
Dali dali akong lumabas at bumili ng maiinom. Sa labas ko na din ng simbahan tinapos ang misa. Pagkatapos ay naglakadlakad ako at namili na din.
Hey there, can I pass a hundred times in front of you, atleast that way you might notice me that I exist.
(A/N: Yung pong kanta ay yung kanta sa Voiceless ni haveyouseenthisgirl)
You have a phone call.
"Ow?"
[ Nasan ka ba? Kanina ka pa naming hinihintay sa dito! Bilisan mo nga! Baka abutin ka ng ulan. Bye. ]
Dali dali kong pinasok sa bag ang cellphone ko. Baka kasi manakaw. Gabi na pala. Masyado akong nawili sa pamimili.
Thogsssh
Uwaa! Uulan na ata. Wala pa naman akong payong.
Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako agad nina Pia.
"Yan! Lalo kang magkakasakit eh!" -Pia
"San ka ba kasi galing ha?" -Zia
"Guys, chill lang. Papasukin niyo muna ako tapos magpapalit lang ako bago tayo magkwentuhan."
"Bilis!"
Ang demanding talaga nung dalawa.
Aish. Ang lamig naman.
"Oh! Higupin mo tapos magkwento ka. Pakibilis at uuwi din kami mamaya."
"Opo nanay Pia." panloloko ko. "Naisipan ko kasi pumunta sa Quiapo. Tapos nagpahula ako. Bumili ng mga charm bracelets at kung anu ano pa kaya nakalimutan ko ang oras. Kung hindi nga kayo tumawag baka mamaya pa ako makauwi."
"Aish. Naulanan ka pa. Pag ikaw na binat at lalong nagkasakit bahala ka. Walang magbabantay sayo."- Zia
"Maiba ako, tanda niyo pa ba si Stephanie? Stephanie Rodriguez."
"Yun ba yung kaibigan natin nung elem na nerd ?" -Pia
"Yup."
''Anong meron sa kanya?" -Zia
"Bumalik na siya. Hindi na siya yung nerd na gaya na dati. Mahirap mang aminin pero gumanda siya. Kulang na nga din sa tela ang damit niya."
"San mo siya nakita?"
"Sa mall kahapon. Kasama nga siya ni Aaron eh."
"Wait, nasa mall kayo kahapon? Eh di ba may sakit ka?!" - Zia
"Oo. Hindi naman dapat kami magtatagal dun. Kakain lang dapat kami kaya lang si Aaron nagyaya magquantum tapos biglang dumating si Steph."
"Tapos?" sabay na sabi nung dalawa.
"Tapos hindi ko na alam ang nangyari. Umuwi na ako kasi nga super sama na ng pakiramdam ko nun."
"Hindi ka man lang hinatid ni Aaron? Lagot sa akin yun! Pinabayaan ka." - Pia
"Naks! Touch naman ako dun!"
"Asa! Kaya ka namin iniingatan ay dahil ililibre mo pa kami."
"Psh."
"Oh siya aalis na kami ni Pia, baka hinahanap na kami. Ayos ka na ba?"
"Oo naman. Siguradong ayos na ako. Bye! Salamat sa pagdalaw."
At kung inaakala ko na ayos na ako, nagkakamali ako kasi lalong lumala yung pakiramdam ko.
Uwaaa. Nahihirapan na din akong tumayo.
Hey there, can I pass a hundred times, in front of you? Atleast, that wat you might notice me, that I exist.
You have a phone call.
"hello?"
[ Aly! Sorry nga pala kanina. Hindi ako nakareply sa'yo. Nagbeach kasi kami kanina nina Steph eh. ]
"Ahh. Eh nasan ka ngayon A ?"
[ Nasa bahay na. Kararating ko nga lang eh. ]
"May gagawin ka pa ba?"
[ Wala naman. Bakit? ]
"Pwede bang pumunta ka dito? Wala kasi akong kasama eh. Nilalagnat kasi ako."
[ O sige. In five minutes nanjan na ako. ]
"Salamat A."
Kahit nahihirapan akong tumayo ay nagpunta ako sa sala. Para makapasok si A.
*kringgg*kringggg*
"Ate, wag ka nang mag.alala ok? Papunta naman dito si Aaron. Bye!"
Kulit ni Ate.
*bzzzzt*
From: Aaron
Sorry Aly, di ako makakapunta. May emergency kasi si Steph eh. Kailangan niya ako. Sana maintindihan mo.
Gusto ko sanang replyan si A na kailangan ko din siya pero wag na lang. Hindi ko naman siya mapapapunta dito eh. Lagi na lang si Steph. Si Steph na naman. Simula ng dumating si Steph lagi na lang siya ang priority ni A. Ako ang bestfriend niya eh.
June 26, 2013
Aish. Badtrip. Badtrip. Ang sarap kulamin ni Stephanie! Inaagaw niya sa akin si Aaron.
P.S: Ang hirap pala pag wala kang kasama sa bahay tapos may sakit ka pa. Naiiyak na ako. Ma! Pa! Ate! Umuwi na kayo dito TT_____TT
--
Makulit na Author: Pasensia na po sa matagal na UD. Nawawalan kasi ng connection tas nasira pa si wifi. oge. Yun lang po =))
BINABASA MO ANG
Dahil sa isang HILING
Humor"What will you do to capture the heart of the person you love?"