September 4, 2014
After 1 year and 4 months babalik na ako sa Pinas. Im so nervous.
"Tinatawag na yung flight natin. Lets go."
Yeah. Pauwi na ako ngayon ng Pinas kasama si Ate.
--
"Wake up Aly. Andito na tayo."
Dug.Dug.
Pagtingin ko ay nagbababaan na yung ibang passengers. Nandito na talaga kami sa Pilipinas.
"Are you ok Aly? You look pale." concern na tanong ni ate.
"Ok lang ako. Kinakabahan lang ako." pagamin ko sa kanya.
"Relax ka lang ok? Sigurado ako na magiging ok din ang lahat, kaya tumayo ka na jan at bumaba dahil tayo nalang ang naiwan dito sa loob ng eroplano."
Sigh.
Pagbaba ng airport ay hinanap namin ang sundo namin. Walang iba kundi si Kuya Rey. Yup! Sila pa rin ni Ate hanggang ngayon, magpapakasal na nga ata sila e. Im so happy for my sister because she already found her true love
Habang nasa byahe bumalik sa akin ang gabing yun, bago ko napagdesisyunan na kailangan ko nang umalis.
Flashback
Pagkapaalam ko kina Pia ay pumunta ako sa condo ni Aaron.
Pumasok na ako kasi may susi naman ako e. Alam ko na pagnalaman niyang pupunta ako ay baka hindi niya ako pagbuksan.
Naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya.
"A."
Tinunghay niya yung mukha niya at tiningnan ako na puno ng hinanakit.
"Paano mo nagawa yun Aly?"
Nasasaktan ako na makita siya na nagkakaganito.
"Sorry."
"Tsk. Sorry? Hindi sapat ang sorry mo Aly. Saka kung sorry lang ang katumbas ng lahat, sana walang mga nakakulong ngayon."
"Magpapaliwanag ako."
"Ano pa nga ba."
Huminga muna ako ng malalim.
"Nagawa ko lang naman ang lahat kasi nagseselos ako kay Steph. Simula kasi nung dumating siya nawalan ka na ng time sa akin. Simula nun feeling ko inaagaw ka niya."
BINABASA MO ANG
Dahil sa isang HILING
Humor"What will you do to capture the heart of the person you love?"