Authors Note

15 1 0
                                        

Dear Readers;

Thank you po sa pagsuporta sa Dahil sa isang hiling. Thank you sa paghihintay sa aking sobrang tagal na paguupdate. Maraming maraming salamat po =)

Sana ay suportahan niyo pa rin ang iba kong story. Pwede niyo din po akong i add sa aking facebook: https://m.facebook.com/imsooovoiceless -PM niyo na lang po ako na isa kayong wattpad reader.

Please support po my upcoming story entitled : Her Kryptonite. Ito po ang chapter 1

"Parang awa nyo na po. Pakawalan niyo na ako."

"Tumahimik ka nga! Kanina ka pa ngawa ng ngawa jan. Nakakarindi ka na ah! Kung hindi lang ako nakatali dito bibigwasan na kita." sigaw ko sa babaeng kasama ko ngayon. Ayoko ngang pangalanan siya. Sagwa ng name eh.

Kainis na kasi. Kanina pa sigaw ng sigaw. Buti na lang at tumahimik na sita. Nagconcentrate akong mabuti at pinakiramdaman ang paligid ko. Mukhang kami lang dalawa ang nasa kwartong ito. Bwisit! Kung hindi dahil sa tatanga tangang babaeng ito hindi ako makikidnap.

*creek*

"Asan siya?"

Shit! Kilala ko ang boses na yun.

Naramdaman ko na may lumapit sa akin at kinalas ang piring ko.

Hindi ko masyadong makita yung lalaki kasi nga kakaalis pa lang nung piring so nag a.adjust pa ang mata ko.

"Renz!"

"Sally!"

Nakita kong tatakbo sana si Renz papunta kay Sally pero pinigilan siya nung isang lalaki.

"Ano ba?! Pakawalan niyo na siya! Andito na ako!"

"Atat ka naman masyado Eros! Chill. Papakawalan naman namin siya."

Pagkasabi niya nun ay may lumapit na isang lalaki kay Sally at pinakawalan ito. Nagyakapan yung dalawa .

Ew lang.

"Tama na nga ang drama! Ihatid niyo na sa labas yang babae at itali si Eros. At ikaw naman babae, wag na wag kang magkakamaling magsumbong kundi malilintikan ka at si Eros sa amin."

Lumabas yung dalawa at hinatid si Sally. Pagkatapos ay dinala nung parang pinaka.boss si Renz dun sa pinagtaluan kanina ni Sally. Pagkatapos ay umalis na siya at naiwan kaming dalawa ni Renz habang binabalot ng kadiliman. LOL

"Tanga ka talaga no."

"Anastacia?"

"The one and only."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nagpapahinga habang nakatali ang dalawang kamay." pabalang na sagot ko. Gago e. Malamang nakidnap. Bobo.

Magsasalita pa sana siya pero may pumasok na naman at this time binuksan na niya ang ilaw.

"Yan! Kala ko taghirap na ang gang niyo kasi bill lang sa meralco hindi pa mabayadan."

Sinamaan niya lang ako ng tingin sa sinabi ko.

"Kumain na kayo." inilapag niya sa may paanan namin ang pagkain.

"Tanga ka ba o sadyang bobo lang? Pano kami kakain e nakatali ang kamay namin habang nakatayo. Anong akala mo sa amin si lastikman?"

*PAK*

"Ang hina naman nun pare. Bakla ka ba?" *smirk*

*Booogsh*

Sinikmuraan ako ng unggoy.

"Subuan mo yan." pagkasabi nun ay kinalagan niya si Renz at lumabas na siya ng kwarto.

"Bakit mo ba sinagot ha? Nadagdagan tuloy yang pasa at galos mo." sita niya sa akin.

"Pakialam mo ba ha? Bakit? Tatay ba kita?"

"Tsk! Oh kain na."

Sinubuan niya muna ako bago siya kumain. Ano ba yan! Dapat nagorder na lang sila sa Mcdo. Mura naman dun e. Kahit hindi nakakabusog masarap naman. Di gaya nito. Adobo pero lasang ewan.

"Hoy! Kita mo yung basag na bubog sa kaliwa mo? Kuha ka nga tapos abot mo sa akin."

"Bakit?"

"Kakainin ko gutom pa ko e. Gusto mo din ba? Gaya ka."

Padabog niyang kinuha ang bubog at inabot sa akin. Sakto naman na dumating yung nagdala sa amin ng pagkain kanina at kinuha niya yung tira at itinali uli si Renz tapos lumabas na din siya.

Bumilang muna ko nang hanggang 10. Trip ko lang.

Sinimulan ko nang kiskisin yung tali.

"What happened to you?"

''Kinidnap." sagot ko pero patuloy pa din sa pagkikiskis. Kairita ah. Ayaw makisama ng tali.

"No, what happened to you? Kelan ka pa mas lumala?" makahulugang tanong niya sa akin.

"Mind your own fucking business."

After 9.203040493736 years ay nakisama na din ang tali.

Aalis na sana ako para tumakas kaso umimik si Renz.

"Iiwan mo ko dito?"

"So?"

"Isama mo ko."

Tsk. Kinuha ko yung pocket knife ko sa loob ng back pocket ko sabay kiskis sa tali ni Renz.

Tahimik kaming lumabas ng pinto. Gapang, takbo, lakad ang ginawa namin hanggang makarating kami sa may highway.

"Walang anuman." sabi ko kay Renz sabay sakay sa pinara kong taxi.

Nakita ko siyang napailing na lang sa isang tabi habang nagaabang nang pwede niyang sakyan.

---

Isa po siyang gangster love story =)) Ipopost ko din po siya soon kaya Suportahan niyo ha? Salamat po !

Love,

binibiningmabait

Dahil sa isang HILINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon