Isang araw naman ang lumipas sa buhay ko. Ang hirap talaga kapag wala kang gandang taglay. Ang pangit ko kasing bading. Kapag napapadaan ako kahit saan, pinagtitinginan ako dahil sa hitsura ko; mataba, pango, maitim, at hindi pa matangkad. Alam kong hindi naman talaga ako pangit, pero hinayaan ko na lang kasi ang ibang na husgahan ako. Alam kong mali pero sa tingin ko iyon na rin ang nagsasabing huwag na akong mangarap pa na magkaroon ng love life.
"Friend, kumusta ka naman?"
Tanong agad ni Gracia na tumabi sa akin habang nakaupo rito sa upuan sa labas ng apartment ko.
Ngumiti na lang ako sa kaniya at sinabing, "OK naman ako, friend."
"I know you're not. You felt ugly again?"
"No, I always feel that way."
"Alam mo friend, ako nga na sinasabihang maganda, wala ring love life. We are all equal, friend."
"Pero walang justice. You can date whoever you want na sila pa ang pupunta sa bahay mo para lang sunduin ka. Samantalang ako, I even paid for somebody's love. Pero wala pa rin talaga."
Niyakap niya na lang ako. Naramdaman ko na lang ang paghikbi niya.
"I'm sorry for making you feel that way. Hindi ka pangit, friend. Maniwala ka sa akin. Hindi mo alam baka sa bawat ngiti mo ay may nahuhulog na sa'yo."
"Gano'n, friend?" I slurred in disbelief.
"Oo naman. Ang cute mo kaya kapag ngumingiti."
"Salamat sa pang-uuto, friend."
Nagtawanan na lang kaming dalawa. Patuloy lang kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga trabaho namin. At masaya itong natapos.
...
Umaga na at nagawa ko na ang lahat bago pumasok sa trabaho. Kanina pa tawag nang tawag si Vicky sa akin.
"Benny! May chika ako sa'yo ngayon." Halatang excited siya sa ibabalita niya sa akin.
"Ano naman 'yon, beh?"
"May bago tayong officemate. Ang gwapo, at imported pa galing Spain! Teh, ang sarap lapain!"
Natatawa na lang ako kay bading. Grabe kasi 'yan magnasa sa isang lalake. Talagang parang tigang na aso na ready laging tumuwad para mapasadahan. Lahat yata halos ng lalaki sa office namin ay dumaan na sa bunganga ni bading.
Maya-maya pa ay si Carlos naman ang tumawag sa akin. Alam ko na kung ano ang ibabalita nito.
"Beh, alam ko na 'yang ibabalita mo. May gwapo tayong officemate galing Espanya."
"Oo beh! Basta ang sarap niya!" Halatang kinikilig ang baklita.
"Bakla ka! May bago ka na namang bibiktimahin."
"Siyempre naman! Kahit foreigner ay hindi makakaligtas sa bunganga ni Carla Montenegro."
"Naku! Carlos Dimaano III, tigilan mo 'ko. Magtrabaho ka na."
"Baklita naman e. By the way, himala, na-late ka ngayon?"
"May inayos lang kasi ako sa bahay bago umalis."
"Gano'n ba? Sige, magkita na lang tayo later se."
"Sige, se. Bye."
Hindi naman ako na-excite sa binalita niya sa akin. Ang dami kong nakakasalubong na foreigner sa kalsada pero iba ang tingin sa akin. Parang may halong disgust dahil hitsura ko. Kaya naman inihanda ko na lang ang sarili para sa trabaho kaysa ma-excite sa lalakeng sinasabi ni Carlos -- ay Carla pa.
YOU ARE READING
Cut It Short
General FictionI have decided to write some short stories to try my abilities to make my written ones short. Enjoy the story and be inspired.