Kasama Ka Sa Malayo.

192 5 2
                                        

Malalim na ang gabi at naghihintay na naman ako sa isang taong upang matanaw ko mula sa aking bintana

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou mettre en ligne une autre image.

Malalim na ang gabi at naghihintay na naman ako sa isang taong upang matanaw ko mula sa aking bintana. Ang makisig niyang katawan ang humahalina sa akin. Sadyang nakakarahuyo ang mga mata niyang maamo pa sa tutang tumititig sa kaniyang amo. Pero isang bagay lang ang nagpapalabo ng aking sitwasyon: Isa siyang mananayaw sa isang bahay-aliwan.

Gabi na naman at binuksan ko nang kaunti ang bintana. Nakita ko na naman si Rafael. Isang lalaking tila sumalo ng lahat ng kagandahan nang magsaboy ang kalangitan ng kariktan. Mga mata niya'y bilugan tulad sa isang artistang Colombiano. Labi niya'y parang nangungusap at ang kanyang ilong na tila nililok pa ni Guillermo Tolentino sa labis nitong ganda. Siya'y kalbo at ang katawan niya'y tila sumasalungat sa mala-anghel niyang mukha dahil tadtad ito ng mga batik kung aking tawagin. Kaya naman bansag ko sa kaniya'y "Diyablong Anghel".

"Pare, naka-iskor ka na naman sa isang bakla ro'n sa Ermita." Pagpapa-alala pa ng kasamahan niya sa trabaho.

"Oo nga e. Hindi ko inakalang malaki ang ibibigay niya. Kaya naman may pambayad na ulit ako ng renta rito sa apartment."

"Anyway, pare aalis na ako. Naghihintay na kasi ang misis ko."

"Sige pare. Mag-ingat ka na lang sa daan."

Umalis na ang kasamahan niya at sinara ko na ulit ang aking bintana. Alam kong malabo na mapansin niya ako ngunit hindi ako titigil na mahalin siya kahit na tila malayo kami sa isa't isa. Iniisip ko na lang na siya ang unan na tinatandayan ko sa aking pagkakahiga ngayon. Palagi namang ganito ang ginagawa ko. Hanggang dito na lang ang lahat.

Kinaumagahan ay umalis na ako sa bahay upang pumasok sa aking trabaho. Nilapitan ako ni Nino, ang kasamahan ko sa trabaho at kaibigan ko na rin dito sa trabaho.

"Friend, may chika ako sa'yo." Pagbungad niya sa isa na namang usapan.

"Ano 'yon?"

"May naharvat kasi akong lalake. Ang gwapo! Mestiso at malaki ang katawan! Pero talaga, bumigay ako sa mga titig niya. By the way, may picture ako kasama siya.

Pinakita niya sa akin at si Rafael ang nasa letrato kasama niya. Nasaktan ako sa nakita ngunit, "In fairness, bakla! Parang Latino ang mukha! Tapos puro tattoo. Ang sarap niya talaga!"

Iwinagwag niya ang hintuturo niya at sinabing, "Alam mo naman ako, friend. Dyosa yata 'to?!"

"Sige na! Sa'yo na ang korona!" Pagbibiro ko pa sa kaniya.

Nang matapos ang dagliang pag-uusap namin ay nagpunta na ako sa boss namin upang ibigay ang aking report.

"You are still doing better, Miguel. It's really the best when you work things out."

"Thanks, sir."

"By the way, may mga ibibigay pa pala ako sa iyong mga report na dapat mong tapusin by next week. Is that alright with you?"

Cut It ShortOù les histoires vivent. Découvrez maintenant